Balita

Kikay Mikay, may mini concert

- Mercy Lejarde

MAY upcoming mini concert ang bagets na duo YouTube sensation na sina

Kikay Mikay this Sunday, September2­3, sa Riverbank Shapalooza Bazaar, sa ganap na 5:00 ng hapon.

Bukod diyan, mapapanood din sila sa Bee Happy Go Lucky, na isa sila sa hosts ng nasabing programa ng Net 25 TV.

Kabilang din sina Kikay Mikay sa upcoming teleserye na The Prodigal Prince, na mapapanuod din sa Net 25 TV.

Ngayong Sabado, September 22, ay may pictorial sila sa Festival Mall, dahil kabilang sila sa Philippine Fashion Racks Edition 3 sponsored by Mossimo.

Hangad din nina Kikay Mikay na makasama sa mga upcoming movies at teleseries ng Viva Films Production, dahil contract artist na sila ng Viva Entertainm­ent.

So, paging Boss Vic del Rosario and Madam Veronique del Rosario of Viva Artist Agency, bigyan na ng projects ang Kikay Mikay bago pa sila tumuntong sa awkward age and height.

 ??  ?? Kikay at Mikay
Kikay at Mikay

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines