Balita

Kyline bawal pang mag-boyfriend

- Ni NITZ MIRALLES

BALIK sa pagso-show sa iba’t ibang bahagi ng bansa si Kyline Padilla after her TAKE FL16HT concert. Noong isang araw, nasa Tawi-Tawi siya kasama sina Ruru

Madrid at Klea Pineda, at kahapon ay nasa Pampanga naman siya. Pang-ilang balik na ito ni Kyline sa Pampanga dahil mismong mga Kapampanga­n ang nagre-request na makita siya nang personal.

Last Wednesday, pumirma siya ng kontrata sa Simply G Marketing para maging endorser ng Simply G Gorgeous shampoo at iba pang beauty products ng kumpanya. Na-try na ni Kyline ang shampoo bago pa siya pumirma ng kontrata at siya na ang nagsasabin­g maganda ito at for all types of hair, dahil may argan oil at keratin.

Sa kanyang speech, pinasalama­tan ni Kyline ang owner ng kumpanya na si Mr. Glen Sy, ang manager na si Manny

Vallester, ang co-manager ng GMA Artist Center na si Vicente del Rosario, ang PR ng Simply G na si Wheyee Lozada, at siyempre pa, ang kanyang parents, fans, ang GMAAC at ang Kapuso network.

“Kung wala ang tiwala ng network, kung wala ang suporta ng Sunflowers ko (tawag niya sa kanyang fans), wala ako rito at hindi ko mararating kung saan ako nakarating ngayon. Sana, hindi sila magsawa sa pagsuporta at hindi mawala ang tiwala nila sa akin,” sabi ni Kyline.

Kasama rin sa ipinagpasa­lamat ni Kyline ang success ng release ng kanyang self-titled album, na number two na sa iTunesPH. Sa rami nang nagmamahal kay Kyline, hindi magtatagal at magnanumbe­r one ito.

Sixteen pa lang si Kyline, bawal pang magka-boyfriend. At mariin niyang itinanggi ang isyu sa kanila ni Miguel Tanfelix.

“We’re just friends dahil sa Kambal

Karibal at hindi totoo ‘yung isyung agawan. Matagal na ang isyung ‘yan, kalimutan na natin,” sabi ni Kyline.

Nagkaroon din ng isyu si Kyline kay Darren Espanto noong nasa ABS-CBN pa ang dalagita. May fans ang love team nila, pero malabong magkasama pa sila sa project. Kumusta sila ni Darren?

“We’re friends again! Dati hindi kami nag-uusap, for two years hindi kami nagusap dahil hindi kami nagkikita. Ngayon, friends na uli kami,”sabi ni Kyline.

Samantala, habang hinihintay ng fans ang next teleserye ni Kyline ay patuloy siyang mapapanood sa Sunday PinaSaya, at may two Sundays pa ang Daig Kayo Ng Lola Ko, na featured sila ni Bianca Umali. Kasama rin si Kyline sa bagong musical show ng GMA-7 na malapit nang mapanood.

 ??  ?? Kyline
Kyline

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines