Balita

LeBron James sa ‘Space Jam 2’

-

MARAMING natanggap na Hollywood projects si LeBron James nitong mga nakalipas na buwan, at ang pinakabago at pinakainaa­bangan ng basketball fans ay ang kumpirmasy­on na kasado na ang sequel ng Space Jam at si Ryan Coogler, ang direktor ng Black Panther,

Creed at Fruitvale Station, ang producer nito, ulat ng Yahoo Sports.

Sa mga nakalipas na taon ay hindi naman lingid sa publiko ang interes ni LeBron na sundan ang yapak ni Michael Jordan sa pamamagita­n ng pagsabak sa Looney Tunes universe. Makalipas ang ilang taon ng mga espekulsyo­n, suhestiyon at false starts, sa wakas ay nagsimula na ang movement para sa follow-up o reboot ng Space Jam — ang hit 1996 film kung saan tampok si Michael, suot ang “Tune Squad” uniform upang tulungan si Looney Tunes na iwasan at takasan ang pagiging alipin ng intergalac­tic theme-park owner, at ang nananatili­ng highestgro­ssing basketball movie — noong summer ng 2015, nang lumagda ang SpringHill ng malaking “content creation” deal sa Warner Bros. Entertainm­ent, isang buwan makaraang magsumite ang studio ng bagong trademarks sa Space Jam.

Si Ryan ang producer ng Space Jam movie at si Terence Nance – na lumikha ng Random Acts of Flyness ng HBO at nagdirek ng experiment­al film na The Oversimpli­fication of Her Beauty – ang direktor ng nasabing pelikula. Ang produksiyo­n ng Warner Bros. film ay inaasahang sisimulan sa 2019, habang NBA offseason. Ito ang unang starring role ni LeBron pagkatapos niyang magtagumpa­y bilang supporting character sa pelikula ni Amy Schumer noong 2015.

 ??  ?? Lebron at Ryan
Lebron at Ryan

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines