Balita

Joe Alwyn, sa relasyon nila ni Taylor Swift

-

SA mga nakalipas na taon, tinangka ni Taylor Swift na iwasan na pagusapan ang kanyang mga nakaraang relasyon at maging ng kasalukuya­ng relasyon sa pamamagita­n ng mga kantang kanyang nililikha, na patungkol sa kanyang mga ex, ayon sa Huffpost.

At nananatili­ng tikom ang bibig ng superstar tungkol sa kanyang dalawang taon nang boyfriend, ang British actor na si Joe Alwyn.

Sa unang pagkakatao­n naman ay nagsalita na si Joe tungkol sa kanyang pananaw at nararamdam­an na karelasyon niya ang isa sa pinakapopu­lar na tao sa mundo, nang makapanaya­m siya ng British Vogue, iniulat ng E! News.

“I’m aware people want to know about that side of things,” lahad niya sa magazine. “I think we have been successful­ly very private and that has now sunk in for people … but I really prefer to talk about work.”

Dahil napakaprib­ado nila ay minsan lang sila mamataan ng paparazzi. Gayunman, mukhang may pahaging naman si Taylor tungkol sa kanilang relasyon sa kanyang music video. Nakasuot ang 28-anyos na singer ng “J” necklace ― na mukhang para kay Joe ― sa video ng kanyang single na Delicate.

Nagkakilal­a ang dalawa noong mga unang buwan ng 2017 at opisyal na kinumpirma ang kanilang parehongta­on.relasyon noong Mayo ng

Bago pa dumating si Alywn sa buhay ni Taylor, ay naging karelasyon muna ng singer si DJ Calvin Harris sa loob ng halos dalawang taon at naging boyfriend niya rin ang aktor na si Tom Hiddleston, pero sa sandaling panahon lamang.

Gaya nga ng sabi ni Taylor noon, mahirap sa kanya ang magkaroon ng relasyon na bukas sa publiko, unless it’s long term.

“I think the media has sent me a really unfair message over the past couple of years, which is that I’m not allowed to date for excitement, or fun, or new experience­s or learning lessons,” sabi ni Taylor nang makapanaya­m ng Glamour UK noong 2015.

“I’m only allowed to date if it’s for a lasting, multiple-year relationsh­ip. Otherwise I’m a, quote, ‘serial dater.’ Or, quote, ‘boy crazy’,” dagdag pa ni Taylor.

 ??  ?? Joe at Taylor
Joe at Taylor

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines