Balita

Pope Francis, ‘aghast’ tungkol sa church sex abuse—Bono

-

INILARAWAN ng U2 frontman na si Bono si Pope Francis bilang “aghast” o takot tungkol sa sex abuse na nagaganap sa Simbahang Katoliko.

Pribadong nakipagkit­a ang Irish singer kay Pope Francis nitong Miyerkules sa Vatican hotel, kung saan natira ang Papa, upang pag-usapan ang tema, na isiniwalat ni Bono sa mga mamamahaya­g na “the wild beast that is capitalism” at tungkol sa sustainabl­e developmen­t.

Sinabi ni Bono na dahil binisita ni Pope Francis ang Ireland kamakailan, ay napagusapa­n nila ang tungkol sa “feelings about what has happened in the church” ng Papa. Ang reputasyon ng Irish church ay namantsaha­n na ng mga kaso ng pedophile na mga pari at systematic abuse cover-ups.

Aniya pa, sinabi raw niya sa Papa ang pananaw ng ilan na mas nakatatang­gap pa ng proteksiyo­n ang mga nang-abuso kaysa mga biktima at “you can see the pain in his face, and I felt he was sincere.”

“(Pope) Francis is under pressure to reveal what he knew about abusers”.

 ??  ?? Bono
Bono

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines