Balita

David Foster, Jay Park, Anggun, magbabalik as ‘AGT’ judges

-

MAGSASAMA-SAMA uli ang celebrity judges na

sina David Foster, Anggun at Jay Park para sa third season ng record-breaking na Asia’s Got

Talent (AGT) sa flagship channel nito, ang AXN.

Nasa Singapore na ang dynamic trio para sa filming ng limang unang episode ng series.

Tinapos ng AGT casting team ang pan-regional open audition tour nitong noong Hulyo, at 150 makukulay na acts mula sa 17 bansa sa Asia ang nakapasa. Katulong naman ang tatlong judge sa pagdiskubr­e ng susunod na superstar sa Asia.

Tinagurian bilang pinakamala­king talent competitio­n sa buong mundo, tampok sa Asia’s Got Talent ang iba’t ibang acts na saklaw ang kahit anong edad, ang magtatagis­an ng galing para masungkit ang korona at grand prize na US$100,000.

Mga kinatawan sa mahigit 15 bansa ang sumabak sa season two at na sinubaybay­an ng 46 na milyong audience ng AXN sa 19 na bansa sa rehiyon.

 ??  ?? David, Anggun at Jay
David, Anggun at Jay

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines