Balita

Katropa vs Painters sa Iloilo

- Marivic Awitan

Laro Ngayon (Passi City,Iloilo) 5:00 n.h. -- TNT vs Rain or Shine

MAGBAGO kaya ang kapalaran ng TNT Katropa sa pagdating ng kanilang ikatlong import sa katauhan ni dating Best Import Marqus Blakely? Ito ang katanungan­g sisimulang bigyan ng kasagutan sa pagsalang ng TNT ngayong hapon kontra magsisimul­a pa lamang ng kanilang kampanya sa season ending PBA Governors Cup na Rain or Shine.

Magtutuos ang Katropa at ang Elasto Painters ganap na 5:00 ng hapon sa isang out of town game na idaraos sa Passi City sa Iloilo.

Sa pagdating ni Blakely na naging matagumpay sa kanyang stint bilang dating resident import ng Purefoods franchise, inaasahang matutulung­an nitong umangat ang Katropa na kasalukuya­ng nasa ikawalong puwesto sa team standings hawak ang markang 2-4.

“He’s not our savior. He will just help us, so we must help him, too, be effective. So yun ang bottomline,” pahayag ni TNT coach Eric Gonzales.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines