Balita

GENSAN ‘BOMBER’ LAGLAG

Dinampot sa buy-bust sa Polomolok

- Ni MARTIN A. SADONGDONG

Sinampahan ng multiple frustrated murder charges ang pangunahin­gsuspeksap­ambobomba sa isang lying-in clinic sa General Santos City noong nakaraang linggo, ayon sa hepe ng special investigat­ion task group (SITG) sa kaso.

Ito ay makaraang maaresto si Jeffrey Panag Alonzo, 38, ng Barangay Lapu, Polomolok, South Cotabato, sa buy-bust operation malapit sa kanyang bahay nitong Miyerkules, ayon kay Senior Supt. Oliver Enmodias, deputy director ng Police Regional Office (PRO)-12, at hepe ng SITG BONITA na nag-iimbestiga sa pambobomba sa GenSan nitong Setyembre 16.

Matatandaa­ng dalawang lalaking magkaangka­s sa motorsiklo ang nagiwan ng package na may improvised explosive device (IED) sa gilid ng Bonita lying-in clinic sa Barangay Apopong, General Santos City, at walong katao ang nasugatan sa insidente, kabilang ang isang anim na taong gulang na babae.

Nangyari ang pag-aresto ilang oras makaraang isapubliko ng PRO12 ang computeriz­ed facial composite (CFC) ni Alonzo.

Sa panayam ng Balita, sinabi ni Chief Supt. Aldrin Gonzales, hepe ng public informatio­n office ng PRO12, na nagsasagaw­a ang General Santos City Police ng hot pursuit operation laban sa mga suspek sa pambobomba nang makatangga­p sila ng impormasyo­n mula sa lokal na pulisya sa South Cotabato na isang drug suspect ang inaresto, at kalaunan ay natukoy na pangunahin­g suspek sa bombing.

“While the PNP of General Santos City [were] conducting hot pursuit operation [against] the suspect, the Polomolok Police Station informed them that a suspect they arrested during a buy-bust operation was one of the suspects in the GenSan IED explosion,” sabi ni Gonzales.

“The GenSan police went there to confirm and they presented the suspect to the witnesses of the bomb attack. He was positively identified,” dagdag niya.

Sinabi naman ni Senior Supt. Enmodias na inaalam pa nila ang motibo sa pambobomba, bagamat binanggit na posibleng personal na alitan ang dahilan nito makaraang mapag-alaman nila na may “familyrela­ted” na away si Alonzo sa may-ari ng klinika.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines