Balita

Olivar sumuko sa bomb joke

- Ni Martin A. Sadongdong

Isinuko ng blogger na si Drew Olivar ang kanyang sarili sa National Capital Region Police Office (NCRPO) kahapon, upang matukoy kung nilabag niya ang Presidenti­al Decree 1727 o ang Anti-Bomb Joke Law.

Bumuhos ang pambabatik­os kay Olivar sa social media makaraan niyang mag-post sa kanyang Facebook account at magbiro na may bomb threat para sa mga dadalo sa rally, na ikinasa ng mga raliyista kasabay ng ika-46 anibersary­o ng martial law na idineklara ni yumaong Ferdinand Marcos Sr. nitong Biyernes.

Sinamahan ni Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson si Olivar nang iprinisint­a nito ang sarili kay NCRPO Director Guillermo Eleazar sa press conference sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

“Ayyy nakakatako­t naman magRALLY sa EDSA, kasi may kumakalat na baka maulit daw ‘yung pagbomba kagaya ng PLAZA MIRADA!! [K]ung ako sa inyo hindi na ako pupunta!!” babalang post ni Olivar sa kanyang Facebook account nitong Huwebes, Setyembre 20.

Idinepensa naman ni Olivar ang sarili at sinabing nag-aalala lamang siya sa mga dadalo sa rally, ngunit ang pag-post niya ng umano’y bomb attack ay walang validation.

“Para sabihin ko po wala po akong intensyon na magbigay ng takot sa mga tao. Hindi lang naman po mga ‘Yellow,’ yung maka-LP yung mga nag-rally kahapon, meron ding DDS na nagrally at iniimbita rin po ako. Nagbigay lang po ako ng post na mag-ingat po kayo, parang binibigyan ko lang po sila ng parang.. tatay din po kasi ako na nagbibigay sa anak ko ng paalala, ‘mag-ingat ka anak,” lahad niya.

Ayon sa Presidenti­al Decree 1727 o Anti-Bomb Joke law, na ang pagdeklara ng “malicious disseminat­ion of false informatio­n or the willful making of any threat concerning bombs, explosives or any similar device or means of destructio­n, and imposes the penalties for it.”

Kung mapapatuna­yang guilty, maaaring makulong ang lumabag nang aabot sa limang taon o pagmultahi­n ng P40,000.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines