Balita

Poe nangunguna pa rin sa senatoriab­les

- Ellalyn De Vera-Ruiz

Malaki ang tiyansa na manalo sa May 2019 senatorial election ang 17 indibiduwa­l, karamihan ay incumbent o dating miyembro ng Kongreso kung idinaos na ang halalan, ayon sa resulta ng pinakabago­ng survey ng Pulse Asia.

Sa survey na isinagawa noong Setyembre 1-7 sa 1800 respondent­s sa buong bansa, 17 mula sa 66 na personalid­ad ang may malaking tiyansa na manalo sa eleksiyon kung naganap ito sa panahon ng survey.

Pinapili ang mga tumugon ng 12 pangalan na kanilang iboboto sa listahan ng Pulse Asia.

Nanatili sa unang puwesto si Senadora Grace Poe na may voter preference na 70.1 porsiyento.

Sumunod naman sa kanya sa ikalawa hanggang ikatlong puwesto si Senadora Cynthia Villar (57.7%), habang nakuha ni Taguig City Rep. Pia Cayetano ang second to fourth places (54.4%).

Kadikit naman ng kongresist­a si Senador Nancy Binay na may statistica­l ranking na third to fourth place sa kanyang 50.6%.

Pasok naman sa top six sina Davao City Mayor Sara DuterteCar­pio (39.5%- fifth to sixth), Senator Edgardo Angara Jr. (37.1%- fifth to seventh), at si dating Senator Jinggoy Estrada (34.6%, sixth-10th places).

Magkakasam­a naman sa ika-11 na puwesto sina Ilocos Gov. Imee Marcos (32.6%), Senator Aquilino Martin Pimentel III (32.4%), at dating Senador Lito Lapid (32.2%).

Naglalaro naman sa walo hanggang ika-17 puwesto si dating Senador Sergio Osmeña sa kanyang 29.8%.

Kumukumple­to naman sa listahan ng maaaring manalo na pantay sa ika-11 hanggang ika17 puwesto sina dating Senador Manuel Roxas (27.7 %), aktor nasi Robin Padilla (27.4 %), dating Senador Ramon Revilla Jr. (27.4%), pamamahaya­g nasi Ramon Tulfo (27%), Correction­s chief Ronald dela Rosa (27%), at Senador Joseph Victor Ejercito (26.7 %).

Tanging 3.6% lamang ng mga Pilipino ang hindi sumusuport­a sa mga posibleng kandidato na kabilang sa survey, tumangging pangalanan ang kanilang napipisil na pambato o wala pang napipili habang nasa 49% naman ng mga Pilipino ang may kumpletong pambato na para sa halalan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines