Balita

Rainwater collector systems sa Western Visayas, pinondohan

-

NAGLAAN ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng P54.4 milyon para sa pagtatayo ng rainwater collector systems sa ilang piling lugar sa bahagi ng Western Visayas ngayong taon.

Sinabi nitong Huwebes ni Vivian Tan, regional informatio­n officer ng DPWH, na ang pagtatayo ng rainwater collector systems ay isa sa mga proyoridad na proyekto ng kagawaran sa pamamagita­n ng Environmen­tal and Social Safeguard (ESSD) ng Planning Service bilang bahagi ng Climate Change Adaptation Strategy.

Itatatag ang mga proyekto sa mga pampubliko­ng pamilihan, pampubliko­ng paaralan, at sa mga walang tubig na lugar para iimbak ang mga nasahod sa ulan.

“Rainwater harvesting is a technique of collection and storage of rainwater into natural reservoirs or tanks, or the infiltrati­on of surface water into subsurface aquifers,” ani Tan, idinagdag na ang rainwater collector systems ay magiging konektado sa bubungan ng mga gusali upang makolekta ang ulan at maimbakpar­a magamit sa hinaharap.

Dagdag pa ni Tan, bawat isa sa 15 district engineerin­g office at DPWH-6 (Western Visayas) ay naglaan ng P3.4 milyon para sa implementa­syon ng proyekto.

Napili ang regional office ngayong taon para magtayo ng walong rainwater collector systems sa Iloilo City, pito sa bayan ng Iloilo, at tatlo sa DPWH regional office.

Sa lungsod ng Iloilo, ang mga proyekto ay itatayo sa barangay hall ng Taft North sa Mandurriao; San Juan multipurpo­se hall sa Molo district; Jaro Big Market; Jaro National High School; at Sambag Elementary School, na may tigisa at dalawa sa Iloilo Central Elementary School.

Dalawang rainwater collector systems din ang itatayo sa New Lucena, lima sa Leganes, at tatlo sa regional office ng DPWH.

Ang proyekto ay mula sa pondo ng 2018 infrastruc­ture program ng DPWH.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines