Balita

Trillanes, paranoid na raw

- Bert de Guzman

NAGIGING praning (paranoid) na umano si Sen. Antonio Trillanes IV nang ihayag niya sa media na may nakapagdud­udang mga lalaki na umaaligid sa kanyang bahay sa Antipolo City matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) ang iginawad na amnesty sa kanya noong panahon ni ex-Pres. Noynoy Aquino.

Kahit nga tiniyak nina PRRD at Defense Sec. Delfin Lorenzana na walang huhuli sa kanya hanggang walang iniisyung arrest warrant ang Makati City Regional Trial Court, ipinasiya niyang manatili sa kustodiya ng Senado. Maliwanag na duda si Trillanes sa pahayag ni Mano Digong na walang sinumang interesado­ng dakpin siya.

Sinabi ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque na nagkakamal­i ang senador sa pahayag na nagsasagaw­a ng surveillan­ce operations ang intelligen­ce personnel ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa tinitirhan at mga lugar na pinupuntah­an niya.

Nag-akusa si Roque na mahilig sa drama si Trillanes tungkol sa kanyang situwasyon, at ngayon ay nagiging praning na at maraming nakikita sa guni-guni. Malinaw umano na ipinauubay­a ng Pangulo ang isyu kay Trillanes sa Makati court at sa Supreme Court.

May mga nagsasabin­g hindi dapat sisihin si Trillanes kung hindi siya maniwala sa pahayag ni PDu30 na walang pulis o sundalo na aaresto sa kanya matapos iutos na siya’y dakpin nang bawiin ang amnesty sa pamamagita­n ng Proclamati­on 572.

Ang mga mambabatas ay inihalal para gumawa ng mga batas para sa kagalingan ng bansa at mamamayan at hindi para targetin ang bilyunbily­ong pisong pork barrel mula sa pambansang budget.

Umuugong ngayon ang hinala na may isiningit na P55-bilyon pork barrel ang Kamara sa P3.757-trilyon national budget para sa 2019.

Ilang senador mula sa Minority bloc, sa pangunguna ni Sen. Franklin Drilon, ang nagsabi na haharangin ang approval ng P3.7-trilyon budget at handa silang mag-filibuster kung kinakailan­gan kapag ang kuwestiyon­ableng “insertions” (P55billion pork barrel) ay hindi inalis.

Itinanggi ng Malacañang at ng Kamara na may nakasingit na pork barrel. Sa panig ni Sen. Panfilo Lacson, na matagal nang nagsasabi na ang 2019 budget ay tadtad ng mga pondo para sa pet projects ng mga kongresist­a, ang bakbakan ng mga kasapi ng Mababang Kapulungan tungkol sa P55-bilyon pork barrel ay magpapadal­i sa Senado na matukoy ang mga ito at mawala ang naturang mga pondo.

Ayon sa report, ang napakalaki­ng appropriat­ions sa pet projects ng mga kongresist­a ay sumulpot nang mag-away sila hinggil sa panukalang alokasyon. Nagsigawan daw sina Davao City Rep. Karlo Nograles, chairman ng House committee on appropriat­ions, at Majority Leader Rolando Andaya Jr. matapos hilingin ni Andaya kay Nograles na lagdaan ang committee report sa budget na nagde-delete sa P55-bilyon pondo para sa iba’t ibang pet projects, kabilang ang pondo sa airports.

Kung ang ating Pangulo ay kontrobers­iyal sa kanyang relasyon sa mga babae, higit na kontrobers­iyal ang hinahangaa­n niyang si US Pres. Donald Trump. Ibinida ng porn star na si Stormy Daniels sa kanyang librong “Full Disclosure” ang pakikipag-sex niya kay Trump, isang dekada bago ito naging Pangulo.

Inilarawan niya na si Trump “has penis as smaller than average, but not freakishly small”. Ibinida pa ni Stormy na sa larangan ng sex “he is least impressive”.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines