Balita

Pagtestigo ng iba pang ‘biktima’ ni Bill Cosby, tinanggiha­n

-

IBINASURA ng Pennsylvan­ia judge nitong Huwebes ang request ng mga prosecutor na payagan ang iba pang kababaihan­g naging biktima ng umano’y pangmomole­stiya ng komedyante­ng si Bill Cosby na isalaysay ang kani-kanilang mga istorya sa sentencing hearing ni Bill kaugnay ng kasong sexual assault laban sa kanya.

Nakatakdan­g hatulan ni Judge Steven O’Neill si Bill, 81, sa Montgomery County Court of Common

Pleas sa Lunes, kaugnay ng kasong drugging at sexual assault na isinampa ni Andrea Constand, dating Temple University administra­tor, noong 2004.

Hinatulan si Bill ng jury sa Norristown, isang suburb north ng Philadelph­ia, na guilty sa tatlong bilang ng aggravated indecent assault noong April.

Mahigit 60 iba pang babae ang nagakusa sa comedian ng pangmomole­stiya, na naganap ilang dekada na ang nakalipas. Ngayong buwan ay nag-request ang mga prosecutor na magdala ng hindi sinabing bilang ng mga babae na nabiktima umano ni Bill, sa hearing para tumestigo, kahit na masyado nang matagal ang alegasyon nilang pangmomole­stiya. Ang akusasyon lamang ni Andrea ang isang kaso na nagresulta sa prosekusyo­n. Pinayagan ang limang iba pang accuser, bukod kay Andrea, na tumestigo sa pangalawan­g trial ni Bill. Ang unang trial ay nagresulta sa hung jury.

Hindi sumangayon ang mga abogado ni Bill sa request para sa pagdagdag ng mga tetestigo sa sentencing hearing. Sumang-ayon dito si Judge O’Neill, at nakasaad sa kanyang order na sa “exhaustive review” ng state case law ay wala siyang natagpuang rason para ikonsidera ang “uncharged conduct” sa sentencing. Nahaharap si Bill, na kinilalang “America’s dad” dahil sa pinagbidah­ang The Cosby Show sitcom, ng maximum sentence na aabot ng hanggang 10 taong pagkakakul­ong para sa bawat bilang (tatlong bilang ng kaso ang kinakahara­p niya). Gayunman, maaari pa ring mapababa ang kanyang hatol sa pamamagita­n ng sentencing guidelines.

Kung makukulong, magiging isa siya sa iilang bilanggo na mahigit 80 taong gulang o legally blind.

 ??  ?? Bill
Bill

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines