Balita

Coco, namigay ng kotse, R800,000 cash

- Ni REGGEE BONOAN

GINAWANG Disyembre ni Coco Martin ang buwan ng Setyembre sa ginanap na thanksgivi­ng party para sa lahat ng naging bahagi at kasalukuya­ng kasama pa rin sa FPJ’s Ang Probinsyan­o, dahil nagpa-raffle siya siya ng bagong kotse at cash.

Sa Vertis Tent, Vertis North ginanap ang party at walang ni isang staff, crew o artistang kasama sa serye na hindi umuwing nakangiti.

Ayon kay Coco, hindi aabot ng tatlong taon sa ere ang Ang Probinsyan­o, na nananatili­ng number one sa ratings game sa primetime, kung hindi dahil sa sipag, tiyaga at malasakit ng bawat taong parte ng serye, kaya in his own little way ay gustong pasalamata­n ni Coco ang lahat.

Marami na nga raw nabago ang buhay dahil sa nasabing programa; ‘yung iba ay nakapagpat­ayo na ng sariling bahay, negosyo at umayos na ang buhay, kaya naman abut-abot ang pasasalama­t nilang lahat sa ABSCBN, at siyempre kay Coco. Ang daming natutulung­an ng aktor na mga dating taga-showbiz na napapanood na ngayon sa Ang Probinsyan­o.

Samantala, ang ganda ng ginawa ni Coco sa pa-raffle niya. Para walang tampuhan, ang lahat ng staff/crew at artists na tatlong taon nang nasa serye ay nasa isang box

ang lahat ng pangalan, at ang grand prize para sa kanila ay brand new car.

Ang lahat naman ng nakadalawa­ng taon na sa serye ay P200,000 cash ang pa-raffle, habang isa sa mga nakaisang taon na sa Ang Probinsiya­no ang nag-uwi ng P100,000 cash.

‘Tila nag-enjoy pa si Coco dahil nagdagdag pa siya ng limang tig-P100,000 sa mga hindi pa nabunot. Ang ibang hindi nanalo ay nabigyan din ng cash plus loot bags, na naglalaman ng lahat ng produktong ine-endorse ng aktor.

Ang payo ni Coco sa mga nanalo ng malalaking halaga, gamitin ang mga ito sa tama at inegosyo para may pagkakakit­aan, dahil hindi naman araw-araw ay may show.

Iisa ang sinasabi ng lahat: Kaya sobrang blessed si Coco dahil marunong siyang mag-share ng blessings niya.

Teka, thanksgivi­ng gifts pa lang ito, ibig sabihin iba pa ‘yung pang-December na ipamumudmo­d ng bida ng Ang Probinsyan­o? Ikaw na talaga ang nag-iisang Coco Martin.

Congrats sa Team FPJ’s Ang Probinsyan­o.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines