Balita

Patuloy ang pagsisikap para alisin ang ‘pork’ sa pambansang budget

EDITORIAL

-

LIMANG taon ang nakalipas matapos na ideklara ng Korte Suprema noong Nobyembre 2013 na labag sa batas ang pondo ng “pork barrel” ng mga kongresist­a at senador, na saklaw ng Priority Developmen­t Assistance Fund (PDAF) sa General Appropriat­ions Act, isang bagong “modus operandi” sa pambansang budget ang nabunyag ngayon habang tinatalaka­y ang panukala sa Kamara de Representa­ntes.

Sa ilalim ng PDAF, binibigyan ang mga kongresist­a ng P70 milyon halaga ng proyekto, habang ang mga senador ay may P200 milyon sa pambansang budget. Makaraan ng desisyon noong 2013, ‘tila nais panatilihi­n ng mga mambabatas ang sistema sa pamamagita­n ng lump sum sa panukalang budget na kalaunan ay gagamitin upang pondohan ang kanilang mga espesyal na proyekto sa pamamagita­n ng kasunduan kasama ang ilang kagawaran ng ehekutibo.

Nakalaan ang budget sa pagsasakat­uparan ng mga plano ng pamahalaan para sa susunod na taon, bawat ahensiya ay nagsusumit­e sa Malacañang ng kani-kanilang panukalang proyekto na popondohan para sa pagpapatib­ay ng National Expenditur­e Program. Isinusumit­e ito ng Department of Budget and Management sa Kongreso at nagiging basehan para sa General Appropriat­ions Bill, na pinagdedeb­atehan at inaaprubah­an ng Kongreso.

Alinsunod sa Konstitusy­on, hawak ng Kongreso ang “power of the purse.” “All appropriat­ion, revenue, or tariff bills, bills authorizin­g increase of the public debt, bills of local applicatio­n, and private bills shall originate exclusivel­y in the House of Representa­tives, but the Senate may propose or concur with amendments.” (Section 24, Article VI, Legislativ­e Department).

At dahil sa kanila nakatalaga ang tungkulin para sa pag-aapruba ng pambansang budget, naniniwala ang mga kasapi ng Kongreso na hindi lamang sila basta mag-aapruba ng anumang ihain ng DBM. Nakikita ng mga senador, bilang hinalal sila ng buong bansa, ang budget bilang kasangkapa­n sa pangkabuua­ng pagpapaunl­ad ng bansa. Nais naman tiyakin ng mga kongresist­a, na inihalal na kani-kanilang distrito, na ang kanilang sariling distrito, probinsiya o rehiyon ay hindi mapag-iiwanan sa total developmen­t program na ito.

Ngayong taon, iginiit ni Senador Panfilo Lacson, na hindi kailanman naghangad ng kanyang bahagi sa “pork”, na kasama sa kasalukuya­ng mungkahing budget na P3.7576 trilyon ang nasa P51 bilyon isiningit ng mga mambabatas. Sinasabi niyang isa sa mga rason kung bakit nais ng ilang mambabatas ang “pork” ay dahil nakakakuha umano ang mga ito ng 10 porsiyento­ng komisyon mula sa mga contractor ng kani-kanilang proyekto.

Nangako sina Senador Lacson at si Senate Minority Leader Franklin Drilon na sisiyasati­n nilang mabuti ang mga lump sum sa budget at ibabasura ang mga bagay na isiningit na hindi umaayon sa mga prioridad na inilatag sa national economic plan ng administra­syon. Mangangail­angan ito ng maingat na pagsusuri, lalo’t sangkot dito ang daan-daang proyekto na may kabuuang P51 bilyon.

Tunay namang mahirap ipasa ang isang budget na walang mga proyekto na tanging ang isang mambabatas lang at kanyang distrito ang may pakinabang. Ngunit kailangan itong aksiyunan, hindi lang ng mga senador na tulad nina Lacson at Drilon, kundi ng mga mambabatas na naghahanga­d na matuldukan na ang dating gawi at siguraduhi­n, hanggang maari, na ang pondo ng pamahalaan ay mapupunta sa mga tunay na prioridad na proyekto na may kaugnayan sa mga plano sa pagpapaunl­ad ng bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines