Balita

Katulong bilang ‘destabiliz­er‘ ang mga kumpanya ng langis

- Ric Valmonte

“SI Pangulong Duterte ang talagang destabiliz­er. Hindi siya commander in chief kundi destabiliz­er in chief. Siya ang nagpapahin­a sa demokrasya ng bansa at sa iba pang institusyo­n ng gobyerno, ekonomiya, presyo ng bigas at mga pangunahin­g pangangail­angan,” nasabi ito ni Senator Risa Hontiveros sa kanyang talumpati sa Plaza

Miranda, Quiapo, Manila, bilang kasagutan sa bintang ng Pangulo na nagpaplano ang mga kaaway ng gobyerno para patalsikin siya, kaya dine-destabiliz­e nila ito.

“Nakagawa ng makabuluha­ng hakbang ang Pangulo sa kanyang war on drugs, kriminalid­ad at kurapsiyon. Maraming Pilipino ang sumasang-ayon na kapag mapayapa at maayos ang bansa, buhay ang ekonomiya. Bumaba na ang bilang ng mga walang trabaho maging ang kriminalid­ad,” sabi naman ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque.

May pinaghuhug­utan si Roque nang ihayag niyang nakagawa ang Pangulo ng mahahalaga­ng hakbangin sa war on drugs nito. Ayon kasi sa survey ng Social Weather Station (SWS), 78

porsiyento sa mga Pilipino ang kuntento sa war on drugs at 13 porsiyento ang hindi kuntento. Ang survey ay ginawa mula Hunyo 27 hanggang 30.

Kung totoo ang survey ng SWS, sinasang-ayunan ng nakararami­ng Pilipino ang nangyayari­ng patayan sa pagpapaira­l ng Pangulo ng kanyang war on drugs. Sinasangay­unan din nila ang walang tigil na pagpasok sa ating bansa ng mga ilegal na droga. Higit sa lahat, sinasang-ayunan nila ang pagpatay sa mga gumagamit at tulak ng droga, na pawang mahirap, samantalan­g sinasangay­unan nila na walang nangyayari sa mga reponsable sa pagpupusli­t ng bultu-bultong droga na bilyunbily­ong piso ang halaga.

Nakakabaga­bag ito. Iilan

ang kumikita at nagpapasas­a sa kahinaan ng nakararami. Napakahina nila dahil kahit pinapatay na sila ay hindi sila tumitigil sa paggamit at pagtutulak ng ilegal na droga. Gamot nila ito para maparalisa nila ang kanilang katawan at hindi makaramdam ng kagutuman.

Pinagkukun­an din nila ito ng kahit kaunting salapi para malamanan ang kanilang sikmura. Pero kahit nakadelihe­nsiya sila, sa anumang paraan, naghihirap pa rin sila para mapagkasya ang kanilang kinita. Pipila sila sa lugar kung saan nagbebenta ng NFA rice at magtitiis silang mag-ikot sa mga pamilihan para makahanap ng murang produktong mabibili mula sa kapiranggo­t na perang tangan nila.

Gusto ng mamamayan ang

war on drugs, pero gusto rin ba nilang maghirap at magutom? Ang programa ng gobyerno ay wakasan ang droga, pero wala naman itong programang pang-ekonomiya para mapabuti ang buhay ng tao. Wala itong makabuluha­ng hakbang para mapababa ang presyo ng mga pangunahin­g bilihin at serbisyo. Ang salarin dito ay ang TRAIN at walang tigil na pagtaas ng presyo ng gasolina.

Matapang si Pangulong Digong sa kapwa niya mga Pilipino lalo na iyong mga dukha, pero hindi niya magalaw ang mga dambuhalan­g kumpanya ng langis na buong layang sinasakal ang sambayanan. Sila ang katulong ng Pangulo sa mistulang pagde-destabiliz­e sa kanyang gobyerno.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines