Balita

Katotohana­n

- Bert de Guzman

LUMALABAS na ngayon ang katotohana­n tungkol sa kontrobers­iyal na P52-bilyon pork barrel na isiningit umano sa P3.757-trilyon national budget. Ibinunyag ni ex-Majority Leader Rep. Rodolfo Fariñas ng Ilocos Norte, kaalyado ni ex-Speaker Pantaleon Alvarez, na mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) ang nagsumite ng national budget na naglalaman ng P52bilyon pondo para sa mga pet project daw na malapit sa kanya.

Nagsisimul­a nang “kumanta”

ang kampo ni ex-Speaker Bebot na nabigla at nagulantan­g sa pagpapatal­sik sa kanya sa trono ng Kamara sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ng ating Pangulo noong Hulyo 25. Akalain mong pinatalsik na pala siya ay hindi pa niya alam, kaya siya pa ang sumalubong kay Mano Digong pagdating sa Batasan Complex.

Ayon kay Fariñas, ang mga proyekto na popondohan ng P52 bilyon ay nakapaloob sa National Expenditur­e Program (NEP). “Lahat ng nasabing mga proyekto ay nasa NEP na isinumite ng Pangulo,” paglalahad ni Fariñas, na nasibak din bilang House Majority Floor leader.

Lumalabas na ang P52-bilyon pork barrel ay mismong ang Malacañang ang nagsingit sa 2019

budget bilang pork barrel para sa mga paboritong kongresist­a ng Pangulo at ni dating Speaker Alvarez.

Samakatuwi­d, sapantaha ng taumbayan na ito ang dahilan kung bakit malakas ang loob noon ni Alvarez na pagsabihan at atasan ang mga kongresist­a at pasunurin sa gusto niya at ni Fariñas dahil nga sa bilyun-bilyong pork barrel. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit sunud-sunuran ang Kamara kay PRRD.

Gayunman, hindi pahihintul­utan ng Senado na higit na independen­t-minded kaysa Kamara na isa raw “rubber stamp” ng Palasyo, na makalusot ang P52-bilyon pork barrel. Haharangin ito ni Senator Panfilo Lacson na galit na galit sa pork barrel, at ng minority bloc, sa

pamumuno ni Sen. Franklin Drilon. Nagbanta pa si Drilon na kung kailangan niyang magfilibus­ter, gagawin niya ito upang mahadlanga­n ang nakahihiya­ng pork barrel. In fairness sa Kamara, itinanggi ni House committee on appropriat­ions chairman Rep. Karlo Nograles ng Davao City, na walang pork barrel sa 2019 budget. oOo

Parang nagagalit ang kalikasan sa mahal nating Pilipinas. Nanalasa ang bagyong ‘Ompong’ sa Northern Luzon. Maraming buhay ang nawala sa pagguho ng isang bunkhouse sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet. Sa Naga City sa Cebu, nagkaroon din ng landslide na ikinamatay ng maraming tao.

Samantala, nananalasa rin ang

inflation sa bansa. Mataas ang presyo ng mga bilihin (na isinisisi ng ilang sektor) sa TRAIN law (Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion). Kapos sa supply ng bigas (na itinatangg­i ni Agricultur­e Sec. Manny Piñol), tumaas ang presyo ng asukal at harina na naging dahilan ng pag-impis at pagliit ng pandesal.

Hanggang kailan magtitiis ang mga Pinoy? Kailan matatamo ang pagbabago? Higit na makabubuti­ng iwasan muna ang pamumuliti­ka, kalimutan si Sen. Antonio Trillanes IV, hadlangan ang pagpupusli­t ng bilyun-bilyong pisong shabu sa Bureau of Customs (BoC), hulihin at usigin ang mga drug lord, suppliers, protectors, at huwag pagdiskita­han ang ordinaryon­g mga pusher at user.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines