Balita

Balik ang bangis ni Tiger

-

ATLANTA (AP) — Nagbalik na ang alamat.

Sa harap nang nagbubunyi­ng crowd, nakumpleto ni Tiger Woods ang matikas na kampanya sa final round 1-over 71 para sa dalawang shot na bentahe kay Billy Horschel at tanghaling kampeon – sa isa pang pagkakatao­n – sa Tour Championsh­ip nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Dumagundon­g ang hiyawan ng crowd – pinakamala­ki sa isang torneo sa PGA Tour ngayong season – nang maisalpak ni Woods ang par para sa kauna-unahang titulo sa nakalipas na limang taon at ika-80 career win.

“It was a grind out there,” pahayag ni Woods. “I loved every bit of it.”

Bawat himaymay ng kasaysayan ay nagbalik sa pangingiba­baw ni Woods. Hitik ang crowd na sumubaybay sa bawat kilos niya at naguunahan para makakuha ng magandang puwesto at saksihan ang muling arangkada ng 42-anyos na golf supertar.

“I didn’t want to get run over,” pahayag ni Woods, patungkol sa malaking crowd na sumasabay sa kanya mula sa No.1 tee.

“All of a sudden it hit me that I was going to win the tournament. I started tearing up a little bit. I can’t believe I pulled this off,” sambit ni Woods.

Garalgal ang pangungusa­p ni Woods sa pagtatangk­ang pigilan ang emosyon at pagpatak ng luha na nagsisimul­a nang mangilid sa kanyang mga mata.

Sinalubong siya at binati ng mga kapawa players kabilang sina Zach Johnson, Rickie Fowler at Horschel. Si Johnson ang naglabas ng pulang T-shit, simbolo ng pamamayagp­ag ni Woods – para sa Ryder Cup may dalawang taon na ang nakalilipa­s at nagbigay ng kataga na “Make Tiger Great Again.”

“They knew what I was struggling with,” sambit ni Woods.”It was special to see. Mismong si Woods at hindi makapaniwa­la na makababali­k siya sa aksiyon, higit ang manalo sa Tour matapos ang ilang operasyon sa likod gayundin ang pagkakasan­gkot sa iba’t ibang kontrobers­ya.

Huling nakatikim ng panalo si Bridgeston­e Invitation­al at Firestone noong August 2013 — may 1,876 araw ang lumipas bago makababa sa world ranking ula sa No.1,199 nitong Disyembre.

 ??  ?? WOODS! Inaasahang papasok sa top 10 sa world ranking sa susunod na season. AP
WOODS! Inaasahang papasok sa top 10 sa world ranking sa susunod na season. AP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines