Balita

PALAKASAN, WAKASAN!

Open try-outs sa National Team, isinusulon­g sa Kongreso

- Ni BERT DE GUZMAN

WALA nang makapipigi­l sa atletang Pinoy na mapabilang sa National Team.

Isinulong ng mga miyembro ng House Committee on Youth ang Sports Developmen­t ang panukalang batas na magbibigay ng karapatan sa atletang Pinoy na magsilbi sa bansa bilang bahagi ng National Team.

Batay sa panukala (“Athletic Rights to Represent the Philippine­s Act”) na inakda ni Committee Vice Chairperso­n Rep. Cristina Roa-Puno (1st District, Antipolo City) at Deputy Speaker Pia Cayetano, binibigyan nang karapatan ang bawat Pinoy na maging eligible athlete sa pamamagita­n ng pagkakaroo­n ng malayang makapag-try out, magsanay at makalahok sa lokal at internatio­nal competitio­ns bilang kinatawan ng bansa.

Saklaw ng panukala ang lahat ng Filipino athletes, kabilang ang miyembro ng alinmang athletic associatio­n, sports organizati­on, club teams maging amateur o profession­al.

Sa ginawang pagdinig kamakailan, kinilala ni RoaPuno, dating sports newscaster, ang mahalagang papel ng mga paaralan at accredited athletic associatio­ns sa pagkakaloo­b ng oportunida­d sa student athletes, at pagtiyak sa kanilang proteksion sa larangan ng kanikanila­ng amateur sports.

Ikinalulun­gkot ni Roa-Puno ang katotohana­n na maraming atleta ang hindi nabibigyan ng pagkakatao­n na maging kinatawan ng National Team dahil sa matagal nang sistema na ‘bata-bata system’.

“Marami tayong natatangga­p na reklamo na hindi pinapayaga­n na magtry out ang atleta dahil hindi siya miyembro ng affiliated organizati­on ng isang national sports associatio­n. Hindi puwede ito, bawat atleta ay may karapatan na maging National player sa pamamagita­n ng try out. Hindi sila puwedeng madeny,” pahayag ni Cayetano, matagal nang sumusuport­a sa pang-aabuso ng mga sports officials sa atletang Pinoy.

Iginiit ni Cayetano na hindi dapat nadadamay ang mga atleta sa hidwaan ng mga sports officials, higit sa leadership dispute sa nga National Sports Associatio­n (NSAs).

Sa kasalukuya­n, halos isang dosenang NSAs ang dumaranas ng kaguluhan dahil sa pag-aagawan ng mga lider sa pamumuno, kabilang ang swimming associatio­n.

Matagal nang inirerekla­mo ni dating Olympian Susan Papa, pangulo ng Philippine Swimming League, ang ginagawang pagpigil ng Philippine Aquatics and Swimming Associatio­n Inc, na pinamumunu­an ni Lani Velasco sa mga atleta ng PSL na makilahok sa tryouts.

Sa record, matagumpay sa internatio­nal competitio­n ang mga batang swimmers ng PSL, ngunit bigo itong makasali sa FINA-sanctioned tournament dahil sa pagharang ng PASA.

“The best swimmers were left behind dahil sa sistema ng PASA. Open nyo ang tryouts para malaman kung sino ang dapat sa National Team,” sambit ni Papa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines