Balita

UST beach belles, buena-mano sa The Bay

- Marivic Awitan

WINALIS ng University of Santo Tomas nina Sisi Rondina at Babylove Barbon ang University of the Philippine­s tandem nina Isa Molde at Justine Dorog, 21-12, 21-12, sa pagsisimul­a ng kanilang women’s three-peat bid sa UAAP Season 81 beach volleyball tournament kahapon sa Sands SM By The Bay.

Taliwas naman ang kapalaran ng reigning men’s champion National University makaraang mabigo sa kanilang unang laban kontra sa Far Eastern University duo nina Jude Garcia at Kevin Hadlocon sina Bryan Bagunas at James Natividad, 25-23, 21-17.

Sa kanyang huling season sa liga, may bagong katambal si Rondina sa katauhan ni Barbon, ngunit mistulang matagal na silang naglalaron­g magkasama.

Nabigo namang makumpleto ng Lady Tamaraws ang twin kill para sa FEU matapos silang matalo sa De La Salle.

Nakabawi sina Tin Tiamzon at Michelle Morente sa kabiguan nila sa second frame upang maigupo ang FEU pair nina Ivana Agudo at Marianne Calinawan, 21-14, 20-22, 15-10.

Nagwagi naman ang kinatawan ng season host National University na sina Klymince Orilleneda at Antonnete Landicho kontra sa Ateneo duo nina Ponggay Gaston at Jules Samonte, 21-11, 21-14.

Sa iba pang laro sa men’s division, namayani ang UST pair nina Krung Arbasto at Jaron Requinton laban kina Kurt Aguilar at Abai Llenos ng Ateneo, 21-11, 21-14, nanaig ang Adamson University tandem nina Pao Pablico at Jesus Valdez kontra sa UP duo nina Nico Consuelo at Mac Millete, 24-22, 21-14, habang pinadapa nina Clifford Inoferio at Alven Aljas ng University of the East ang De La Salle twosome nina Geraint Bacon at Raprap Sumalinog, 21-19, 21-16.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines