Balita

Dagdag Balita

-

Kasaysayan ‘di mababalukt­ot

Sa kabila ng mga pahayag ni dating Senador Juan Ponce Enrile, sinabi ng Malacañang na walang kuwestiyon na nagkaroon ng mga paglabag sa karapatang pantao sa panahon ng rehimen ng yumaong si Pangulong Ferdinand Marcos, lalo na sa ilalim ng batas militar.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque matapos sabihin ni Enrile sa panayam sa kanya ni dating Sen. Bongbong Marcos na wala ni isang inaresto dahil sa kanilang religious o political beliefs sa panahon ng martial law ni Marcos.

Sa kanyang press briefing kahapon, sinabi ni Roque na maaaring ang mga pahayag ni Enrile ay opinyon lamang niya ngunit iba ang pinatutuna­yan ng batas at ng mga desisyon ng korte.

“That’s his belief, he’s entitled to it. But as far as the Palace is concerned, there are decisions affirming that there were grave human rights violations committed during the Marcos regime. There’s even a law in Congress which provides for compensati­on for victims of martial law,” aniya.

Naniniwala rin si Roque na imposiblen­g mababalukt­ot ng sinuman ang kasaysayan kung mayroong batas na tumutugon dito.

“I don’t think they can twist history when there’s a law and court decisions attesting to what happened during martial law,” aniya.

Argyll Cyrus B. Geducos Insurance sa rescuers

Nais ni Senador Leila M. de Lima na mabigyang proteksyon ang volunteer workers sa rescue operations.

Sa kanyang Senate Bill (SB) No. 2013 o “Emergency Volunteer Protection Act of 2018,” isinulong ni De Lima ang insurance sa volunteers na napinsala o nasawi sa pagrespond­e.

Sa ilalim nito, P350,000 ang disability benefits, P300,000 ang death benefits, at P200,000 sa hospitaliz­ation bills.

Leonel M. Abasola 619 graduate na sa droga

Nakumpleto ng 619 drug personalit­ies ang anim na buwang rehabilita­tion program ng Valenzuela City government na may temang “Dapat sa Tama, Huwag sa Amats.”

Isinagawa kahapon ang graduation ceremony ng dating drug dependents sa Peoples Park, Valenzuela City. Nagmula ang 557 sa Community Wellness Program ng mga barangay sa lungsod sa ilalim ng Valenzuela Anti-Drug Abuse Council (VADAC), at 62 ang nanggaling sa Mega Drug Abuse Treatment Rehab sa Nueva Ecija.

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, patuloy ang monitoring sa kanilang pagbabago.

Orly L. Barcala Libreng paospital apektado ng budget

Dismayado si Senator JV Ejercito sa pagtapyas ng gobyerno sa budget ng Department of Health (DoH) dahil posibleng maapektuha­n ang maraming kababayan na walang kakayahan magpagamot sa mga pribadong ospital.

Inihayag ito ng senador sa harapan ni Las Piñas City Mayor Mel Aguilar, mga konsehal, at empleyado sa pagdalo niya sa flag raising ceremony sa city hall kahapon ng umaga.

Dalawang taon ng chairman ng Senate Health Committee si Ejercito at patuloy na isinusulon­g ang free hospitaliz­ation sa mga pampubliko­ng ospital.

Bella Gamotea

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines