Balita

Mikee, pinagsasab­ay ang work at studies

- Ni NORA V. CALDERON

SERYOSO si Mikee

Quintos na tapusin ang studies niya kaya isinasabay niya ang pag-aaral sa pag-a-artista. Iyon kasi ang promise niya sa parents niya nang magpaalam siyang gusto niyang pasukin ang showbiz. Pinayagan siya ng parents niya, basta hindi mapababaya­an ang studies at magtatapos siya ng college.

“Top priority ko po ang pagtatapos ng college,” sabi ni Mikee sa set ng primetime drama series niyang

Onanay. “Fourth year na po kasi ako sa BS Architectu­re sa University of Santo Tomas, kaya hindi na rin magtatagal makaka-graduate na ako.

“Thankful po ako sa production namin dahil pinapayaga­n nila akong isingit ang schoolwork ko kapag hindi nagti-take sa eksena. Hindi ko nararamdam­an ang hirap dahil gusto ko ang ginagawa ko.”

Paano kung masyadong ma-drama ang eksena, hindi ba siya nahihirapa­ng mag-concentrat­e?

“Hindi naman po. Ang laki po nang naitutulon­g sa akin ng mga kasama ko sa ‘Onanay’. Mga mahuhusay pong actress sina Ms. Nora Aunor, Ms. Cherie

Gil, even po ang nanay ko sa story, si Jo Berry, na nagbibigay sa akin ng pointers sa mga dapat kong gawin sa eksena.”

Dati ay ayaw sa kanya ng Nanay Onay niya dahil mas gusto nito si Natalie (Kate Valdez), ito ang dahilan nang lagi niyang pag-iyak, pero mahal na mahal pa rin niya ang ina.

“Ngayon po, mapapanood na ninyo na mabait na po si Nanay Onay sa akin, pero may twist pa rin ang story at iyon po ang magandang abangan. Salamat po sa lahat ng mga sumusubayb­ay sa amin gabi-gabi, (pati) doon sa ang tawag na sa akin kapag nakikita ako sa labas ay ‘Maila’ (na) character ko sa ‘Onanay’. Ang Onanay ay napapanood pagkatapos ng Victor

Magtanggol sa GMA 7.

 ??  ?? Mikee
Mikee

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines