Balita

Katrina, bakasyon muna pagkatapos ng ‘Step Daughters’

- Nora V. Calderon

MATINDI ang mga pinagdaana­ng eksena ni Katrina Halili sa seryeng The StepDaught­ers kaya naman gusto raw niyang magbakasyo­n muna pagkatapos ng afternoon prime drama series.

Sa story kasi, as Isabelle, anak siya ni Hernan (Gary Estrada).

Ayaw na ayaw niyang mag-asawa uli ang ama kaya nagalit siya nang maging karelasyon nito si Luisa (Glydel Mercado)

makaraang mamatay ng mommy niya. Anak ni Luisa si Mayumi (Megan) kaya naging stepdaught­ers sila. Kaya nang pumasok na sa buhay nila ang mag-ina ay walang ginawa si Isabelle kundi mag-isip ng paraan para mawala sa kanila sina Luisa at Mayumi, pero ang nangyari ay kabaligtar­an dahil siya pa ang naging kaawaawa dahil itinakwil siya ng ama.

“Kaya lalo po akong nagalit kina Mayumi at Luisa, at gagawa ako ng paraan para makabangon ako at maghiganti sa kanila,” kuwento ni Katrina. “Pero drama lang po naman namin ang sakitan, kahit kung minsan hindi naman talaga maiiwasan, kasama na iyon sa aming trabaho bilang isang artista.

“Kaya nag-decide akong magbakasyo­n muna after nito. Inabot din kami ng halos eight months na wala talagang tigil ang taping, pero thankful kami dahil ganito ang mga story na gustung-gustong panoorin ng mga televiewer­s.”

Saan naman siya magbabakas­yon? “Dito-dito lang sa malapit. Kasama ko ang anak kong si Katie, magbabondi­ng kami nang hustong mag-ina dahil may mga times ding hindi kami magkasama lalo na kung inaabot ako ng umaga sa taping, tapos pagdating ko sa bahay, wala na si Katie, pumasok na sa school. Pero hindi nga kami lalayo, kasi baka may TV guestings namang ibigay sa akin, sayang naman, habang naghihinta­y ako ng next project ko sa GMA.”

Si Katrina ay may beach house sa El Nido, Palawan kaya malamang ay isa iyon sa pupuntahan nila ni Katie.

Ang The StepDaught­ers ay napapanood arawaraw pagkatapos ng Ika-5 Utos.

 ??  ?? Katrina
Katrina

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines