Balita

James Woods, ‘di pa rin buburahin ang tweet

-

Nasuspinde ang Twitter account ng aktor na si James Woods sa tweet na ipinost niya ilang buwan na ang nakalipas, na nadiskubre­ng lumabag sa patakaran ng Twitter.

Ang tweet ay ipinost noong Hulyo 20 na may kasamang hoax meme na umano’y galing sa mga Democrats na naghihikay­at sa publiko na huwag bumoto sa midterm elections. Nakatangga­p si James ng email mula sa Twitter nitong Huwebes na ang tweet “has the potential to be misleading in a way that could impact an election.” Ayon pa sa email, maaaring gamitin uli ni James ang kanyang account kung buburahin niya ang naturang tweet. Sa isang exclusive interview sa The Associated

Press nitong Linggo, ipinaliwan­ag ni James na maaari siyang makabalik sa Twitter kapag pumayag siyang gawin ang sinasabi ng Twitter. Aniya, hindi niya buburahin ang tweet.

“Free speech is free speech — it’s not Jack Dorsey’s version of free speech,” sabi ni James, ang tinutukoy ay ang Twitter Chief Executive na si Jack Dorsey.

Ayon naman sa Twitter, “it doesn’t comment on individual accounts for privacy and security reasons”. Inihayag ng tagpagsali­ta ng social media platform sa pammagitan ng email na wala na siyang maibabahag­i pa nang matanong kung direkta bang reresponde si Jack sa mga komento ni James.

“The irony is, Twitter accused me of affecting the political process, when in fact, their banning of me is the truly egregious interferen­ce,” buwelta ni James. “Because now, having your voice smothered is much more disturbing than having your vocal chords slit. If you want to kill my free speech, man up and slit my throat with a knife, don’t smother me with a pillow.” Kung buburahin niya umano ang tweet, mapipilita­n siyang bantayan ang kanyang mga susunod na hakbang sa lahat ng aggawin niya sa hinaharap, “chilling free speech”. Ayon pa sa email na natanggap ng aktor mula sa Twitter ay permanente na umano siyang masususpin­de sa social media platform kung mauulit ang mga ganitong pangyayari. Binanggit din niyang ang kanyang original tweet ay ini-repost ng kanyang girlfriend nitong Biyernes at libong beses na ring nai-retweet nitong Linggo. Ang account ng GF niya ay hindi na-lock, na aniya ay patunay na siya lamang ang pinatawan ng ganitong parusa dahil malaki ang kanyang Twitter following.

Si James, na may mahigit 100 acting credits at bumida sa ilang pelikula gaya ng Salvador, Ghosts of Mississipp­i at Casino, ay mayroong mahigit 1.7 million Twitter followers at kilala para sa kanyang konserbati­bong political views. Online pa rin ang kanyang Twitter, pero hindi niya ito kayang buksan. Marami sa kanyang kamakailan­g tweets ang pananaw niya tungkol kay Supreme Court nominee Brett Kavanaugh at Christine Blasey Ford, na nag-akusa kay Brett ng pangmomole­stiya, ilang dekada na ang nakalipas. Nakasaad sa meme na ipinost ni James noong Hulyo ay #LetWomenDe­cide at #NoMenMidte­rm. Ito umano ay mula sa isang Democratic group, ngunit natukoy na ito ay isa pa lang hoax campaign para hikayatin ang liberal na mga kalalakiha­n na huwag bumoto sa Nobyembre, ayon sa website na knowyourme­me.com.

 ??  ?? James
James

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines