Balita

Ika-39 na labas

- R.V. VILLANUEVA

MAY kausap si Nena na gusto sana niyang ipakilala kay Fermin kaya tinawag niya ang kanyang asawa. Mabilis din namang nakalapit si Fermin pero mabilis din na nakatayo ang babae nang ni hindi raw nakita ni Fermin.

“O, e... ano naman ang masama kung may babae ka mang kausap? Hindi totoong napaka-ilang ng lugar na ito. O tagarito lang ‘yan sa tabi-tabi. Kung interesado siyang makipagkil­ala sa ‘tin, hindi ba mabuti iyon?”

Inig pa rin niyang bumutol: Hindi naman ‘yong babae ang punto, Fermin. Ang ibig kong ipunto... ‘yung napakabili­s niyang nakalayo. Kahit pa nga tumakbo ‘yon, hindi makakalayo ‘yun ng ganoon.

Muli, sa kung anong hiwaga, walang nasabi si Nena sa mga iniisip niya. Natapos ang maghapon. Ang hindi natapos ay ang linisin sa lote.

Pauwi na sila, ibig sanang isumbat ni Nena kay Fermin: Ngayon naniwala ka nang may hiwaga nga sa loteng ‘yon?

Pero bago siya nakapagsal­ita, sinasabi na ni Fermin: “Nasira ang galing ko sa estima. Ang akala ko talaga, kayang-kaya naming ‘yon ngayong maghapon.”

“O, di naniwala ka na ngayon?” sabi ni Nena.

“Ha? Saan?” Tanong ni

Fermin.

“Na mahiwaga ang loteng nabili natin? Na posibleng may lumitaw nga doon.”

“Ano?” Tawa si Fermin. “Huwag ka ngang maingay. Baka marinig ka nila?”

“Ano naman ang ibig mong sabihin, Fermin?”

“Kung nasira ako sa estimate ko, ano naman ang katakataka do’n?

Hindi naman ako sana’y sa gano’ng trabaho. Pag hindi ka bihasa sa isang trabaho, masisira ang estimate mo. Pero ‘yong hinala kang may lumilitaw do’n, aba, nakakahiya ‘yon!”

Sa loob-loob na lang niya: Ako pa ngayon ang lumalabas na kahiyahiya.

Sa pag-aakal marahil nasaktan siya dahil hindi siya kumibo.

Ani Fermin: “Sorry, Love! Hindi kita gustong insultuhin.”

Hindi na lang kumibo si Nena. Hindi niya gustongmag­talo pa sila ni Fermin. Isa pa, naroon na naman ang lakas na wari ay pumipigil sa kanya pa gang tungkol sa umano’y lumilitaw na supernatur­al.

Sa dakong loob ng dyip, kataka-taka ring hindi pinag-uusapan ang tungkol sa pagka-delay ng gawain dahil ang kauwirang siguro’y binabayara­n naman sila ng arawan. Di a mas matagal na trabaho, mas okey?

Kinabukasa­n, mas maaga sila sa lugar ng lote, halos ay agaw-dilim liwanag pa.

Habang hinahagod natatanaw ni Fermin ang kabuuan ng bahaging hindi nila natapos, anito: “Ngayon naman, tiyak na tiyak ko nang matatapos na naming ang hawaning ito.”

Gusti na namang magsalita ni Nena. Pero nasa isip niya: Ayan ka na naman. Siguro naman, pag hindi n’yo nayari ‘yan ngayon, nakukumbin­si ka nang hindi karaniwan ang nabili mong ari-ariang ito.

Hindi na lang siya kumibo. Lagi na, may baon silang pagkain. Bigas at ulam na doon nila niluluto. Siya, si Nena, ang incharge sa pagluluto. May ekstra silang kampit na may kalakihan na gamit sa pagluluto.

Nakita ni Fermin, hawak niya ang may kalakihang kampit na uubra rin naman pangtabas.

“O, Love... bakit mo hawak ‘yan?”

“Tutulong ako sa paglilinis. Kahit naman pa’no... malaki ang maitutulon­g ko para tiyak na tapos mamayang hapon ang trabaho natin.”

“Hindi, a,” sabi ni Fermin. “Paano ang laban nating mamayang gabi, a.”

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines