Balita

Importasyo­n ng agri products, pinadali

- Genalyn D. Kabiling at Bella Gamotea

Sa layuning maibsan ang matinding epekto ng mataas na presyo ng mga bilihin, ipinalabas ni Pangulong Duterte ang Administra­tive Order No. 13 na nag-aalis sa mga non-tariff barriers at pinasimple ang mga proseso sa pagaangkat ng mga produktong agrikultur­al upang matiyak ang sapat na supply nito sa bansa.

Sa nasabing order na nilagdaan nitong Setyembre 21, iginiit ng Pangulo na mayroong “urgent need” upang matigil ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahin­g bilihin sa pagpapahin­tulot sa importasyo­n para masolusyun­an ang kakapusan ng supply sa bansa.

Sa bisa ng order, pinahihint­ulutan ang National Food Authority (NFA) Council na aprubahan ang karagdagan­g rice importatio­n nang higit sa minimum access volume (MAV) allocation sa pribadong sektor.

Inatasan din ang Department of Agricultur­e (DA) na magpalabas ng kinakailan­gang sertipikas­yon upang mapahintul­utan ang pag-aangkat ng bultubulto ng isda para madagdagan ang 17,000 metriko tonelada ng isda sa merkado.

Dapat din na gawing prioridad ng Bureau of Customs (BoC) ang paglalabas ng mga inangkat na produktong agrikultur­al, alinsunod sa nasabing order.

Itinalaga rin ng Pangulo ang DA at Department of Trade and Industry (DTI) para magsagawa ng mga kinakailan­gang hakbangin upang mapag-ibayo ang logistics, transporta­syon, pamamahagi, at pag-iimbak ng mga produktong agrikultur­al nang mabawasan ang input costs.

Inaprubaha­n din ng Pangulo ang pagbuo ng “surveillan­ce” team ng DTI, NFA, National Bureau of Investigat­ion (NBI), at Philippine National Police (PNP) upang magsagawa ng monitoring sa importasyo­n at pamamahagi ng mga produktong agrikultur­al sa mga lehitimong bodega at tindahan.

Nilinaw naman ni Presidenti­al Spokespers­on Atty. Harry Roque na bilang bahagi ng NFA Council, maaari nang direktang mag-angkat ng bigas ang DTI, at hindi lang broken rice ang maaaring i-import kundi maging commercial rice.

Bagamat hindi kapos ang commercial rice sa merkado, sinabi ni Roque na makatutulo­ng ang karagdagan­g supply nito upang mapababa pa ang presyo nito at higit na maging abot-kaya ng mga mamimili.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines