Balita

BTS sa kabataan: Just speak yourself

-

DINALA ng K-Pop boy band na BTS ang kanilang ningning sa United Nations nitong Lunes, at nanawagan sa kabataan sa mundo na makinig sa kanilang “inner voice” at huwag pigilan na isatinig ang kanilang mga opinyon.

“No matter who you are, where you’re from, your skin color, your gender identity, just speak yourself,” lahad ng lider ng grupo na si Kim Nam-jun sa mga taong nagtipunti­pon para sa paglulunsa­d ng UNICEF youth campaign.

May titulong “Generation Unlimited”, layunin ng kampanya na i-promote ang edukasyon, pagsasanay at pagkakaroo­n ng trabaho, sa taunang pagtitipon ng mga lider ng mundo sa United Nations.

Nakasuot ng mga business suits at ties, ang grupo ay kasamang dumalo ni UN Secretary-General Antonio Guterres, World Bank President Jim Yong Kim at Rwandan President Paul Kagame sa event.

Ibinahagi ni Kim Nam-jun, palayaw ay RM, na lumaki siya sa Ilsan, South Korea, habang ini-imagine niya na siya ay isang superhero at “just a normal little boy” hanggang sa pumasok na sa kanyang kamalayan ang “self-doubt” sa edad na siyam o sampu.

“I think that’s when I began to worry about what other people thought of me and started seeing myself though their eyes,” aniya. “I tried to jam myself into the molds that other people made.”

Inihayag din ng lead singer ng pinakapopu­lar na boy band sa buong mundo na may mga pagkakatao­n na nais niya nang itigil ang pagtugtog at pagsasayaw, ngunit tinalo at nalagpasan niya ang kanyang mga kahinaan sa pamamagita­n sa pakikinig sa “small voice that said, wake up man, and listen to yourself.”

“I have many faults and I have many more fears but I am going to embrace myself as hard as I can and I am starting to love myself,” dagdag pa niya.

Sa lahat ng tanyag na musical exports ng South Korea, nakagawa ng kasaysayan ang BTS ngayong taon nang sila ang maging kauna-unahang K-Pop na manguna sa Billboard 200 music charts.

“BTS has become artists performing in huge stadiums and selling millions of records right now, but I am still an ordinary 24-year-old guy,” lahad pa ni Kim Nam-jun.

“We have learned to love ourselves, so now I urge you to ‘speak yourself’.”

Dadalhin ng BTS ang Love Yourself tour nito sa New York at magtatangh­al din sila sa US stadium, sa unang pagkakatao­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines