Balita

TEKA MUNA Court martial kay Trillanes, saka na—DND chief

- Ni FRANCIS T. WAKEFIELD May ulat ni Beth Camia

Sinabi kahapon ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na gagawin na lang nilang “one step at a time” ang mga ikakasa nilang hakbangin bago magpasya kung ipagpapatu­loy ang court martial proceeding­s laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Ito ang inihayag ni Lorenzana isang araw makaraang magpalabas si Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150 Executive Judge Elmo Alameda ng warrant of arrest laban kay Trillanes sa kasong rebelyon.

Ayon kay Senate Sergeant-atArms Jose Balajadia, si Chief Supt. Guillermo Eleazar, National Capital Regional Police Office (NCRPO), ang nagsilbi ng warrant at maayos namang sumama sa opisyal ang senador.

Mula sa Senado ay dinala si Trillanes sa Makati Police Station para sa booking procedures, bago dumiretso sa Makati RTC Branch 150 upang magpiyansa ng P200,000. Kaagad namang nagpalabas ng release order si Judge Alameda.

Gayunman, sinabi ni Lorenzana na hihintayin muna ng DND ang pasya ng Korte Suprema sa legalidad ng proklamasy­on ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapawal­angbisa sa amnestiya ni Trillanes bago nila gawin ang susunod na hakbangin.

“We will take this one step at a time baka technical tayo. So arrest muna then wait for further developmen­t,” sabi ni Lorenzana, na una nang nagsabi na kaagad nilang isasailali­m sa court martial ang senador matapos na bawiin ng Presidente ang amnestiya nito.

Makaraang lumabas ang nasabing proklamasy­on ay naghain ang Department of Justice ng petisyon sa dalawang korte sa Makati para sa mga kasong rebelyon at kudeta ni Trillanes, kaugnay ng Oakwood Mutiny noong 2003 at Manila Peninsula siege noong 2007.

Ang Makati RTC Branch 150 ang humahawak sa kasong rebelyon ni Trillanes, habang dinidinig pa ng Makati RTC Branch 148 ang kasong kudeta ng senador.

Kaugnay nito, sasagutin ng Department of Justice (DoJ) ang pahabol na komento ni Trillanes sa RTC Branch 148 na dapat ay ang prosekusyo­n o ang Do Jang magpatunay na hindi nga siya nakapagsum­ite ng amnesty applicatio­n.

Sinabi ni DoJ acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na may limang araw ang kagawaran para sagutin ang nasabing komento ni Trillanes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines