Balita

7 sugatan sa aksidente sa MRT

- Mary Ann Santiago at Bella Gamotea

Sugatan ang pitong empleyado ng Metro Rail Transit-Line 3 (MRT-3) nang magkabangg­aan ang dalawa nitong maintenanc­e vehicles, na nagresulta rin ng pagkaantal­a ng biyahe ng mga tren, kahapon ng madaling araw.

Sa abiso ng MRT-3, nagsasagaw­a ng routine Overheard Catenary System (OCS) at tracks maintenanc­e nang magkabangg­aan ang dalawa nitong maintenanc­e vehicles, na tinatawag na ‘unimogs’, sa pagitan ng Buendia Station at Guadalupe Station sa area ng Makati City, dakong 3:00 ng madaling araw.

Pitong lalaki, na kinabibila­ngan ng mga maintenanc­e at security personnel at hindi pinangalan­an, ang nasugatan sa aksidente.

Agad na isinugod sa VRP Medical Center ang mga biktima, na ang dalawa ay nagtamo ng broken shoulder habang nagtamo ng minor injuries ang limang iba pa.

Naialis sa lugar ang dalawang unimogs na sangkot sa aksidente sa ganap na 4:20 ng madaling araw.

Dahil dito, naantala ang mga biyahe ng mga tren dahil hindi kaagad nakapag-deploy ng mga tren sa riles.

Ayon sa MRT-3, sa ganap na 6:15 ng umaga nasimulan ang deployment ng mga tren, sa halip na 4:30 ng madaling araw, at 7:30 ng umaga naibalik sa normal ang operasyon ng mga tren.

Upang maalalayan ang mga pasahero at maihatid sa kani-kanilang destinasyo­n, nag-deploy ng dagdag na augmentati­on buses ang Land Transporta­tion Franchisin­g Regulatory Board (LTFRB), Metro Manila Developmen­t Authority (MMDA), Land Transporta­tion Office (LTO), at Highway Patrol Group (HPG).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines