Balita

14-anyos hinalay ni tatay

- Orly L. Barcala

Sa rehas ang bagsak ng isang mister nang ipakulong ng kanyang misis matapos umanong mahuli sa aktong pinagsasam­antalahan nito ang anak nilang dalaga sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek sa alyas na Monching, 50, ng Mabalacat Street, Caloocan City.

Base sa report, nagpunta ang suspek sa dati nilang bahay sa Barangay Arkong Bato, Valenzuela City upang dalawin ang asawa, dakong 8:00 ng gabi.

Nadatnan ni Monching ang kanyang anak, 14, na natutulog sa kuwarto nito at tinangkang hubaran.

Nagising at pumiglas ang biktima, ngunit nanaig ang lakas ng suspek kaya nagawa nitong hubaran ang biktima.

Habang inaabuso ni Monching ang kanyang anak, dumating ang misis niya at nagpasaklo­lo sa mga barangay tanod subalit nakatakbo ang una.

Makalipas ang ilang oras, nakorner ang suspek na pagala-gala sa lugar.

Nabatid na nakipaghiw­alay na ang ina ng biktima sa suspek dahil sa pagiging pasaway at kawalan ng trabaho.

Ayon naman sa biktima, unang beses siyang inabuso ng kanyang ama noong pitong taong gulang pa lamang siya at maraming beses na itong naulit.

Isinailali­m ang biktima sa counsellin­g ng Child Protection Center ng City Social Welfare and Developmen­t Office.

Nahaharap ang suspek sa kasong “multiple counts ng Incestuous Rape”.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines