Balita

Shabu lab sa condo:

R544-M droga nasabat

- Nina BELLA GAMOTEA at FER TABOY

Nasa 80 kilo ng umano’y high grade shabu, na nagkakahal­aga ng P544 milyon, ang nakumpiska ng Philippine Drugs Enforcemen­t Agency (PDEA) sa isang condominiu­m unit na nagsisilbi umanong shabu laboratory sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Nasa kustodiya ng PDEA ang limang Hong Kongese na sina Lang King Wah, 35; at Wong Ka Lok, 38, kapwa handlers ng dalawang chemists na sina Lam Wing Bun, 52; at Lam Ming Sun, 56; habang si Huan Sen Lin ay una nang nadakip nitong Lunes.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang limang dayuhan ay pawang miyembro umano ng tinagurian­g “14K” internatio­nal drug syndicate na kumikilos sa China at Hongkong.

Bitbit ang search warrant, sinalakay ng PDEA ang isang unit ng isang condominiu­m na matatagpua­n sa panulukan ng Sunrise at Pacific Drives sa Pasay City, dakong 7:30 ng gabi.

Nasamsam ang mga liquid shabu, na nakalagay sa 10 malalaking transparen­t plastic container na nakatakdan­g patuyuin, habang 70 kilos ng high grade shabu, na nagkakahal­aga ng P544 milyon, ang nakasilid sa isang maleta.

Ayon kay Director General Aquino, itinuturin­g nila itong pinakamala­king kitchen-type shabu laboratory sa bansa na kanilang niraid at kayang gumawa ng tinatayang 15 hanggang 20 kilo ng shabu kada cycle.

Aniya, ito rin ang pinakamata­gal na operasyon na kanilang ikinasa na umabot ng apat na buwan.

“This is a modus of the new syndicate now. They’re using highend subdivisio­ns, condominiu­ms to prevent detection,” dugtong ni Aquino.

Base sa report, unang nadakip sa operasyon sina Lam King Wah at Wong Ka Lok matapos na bentahan ng dalawang kilo ng umano’y shabu ang poseur-buyer sa ASEANA Power, Macapagal Boulevard, Parañaque City.

Nasundan ito ng follow-up buybust operation laban kina Lam Wing Bun at Lam Ming Sun matapos na masamsaman ng isang kilo ng shabu sa tapat ng isang hotel sa Maynila, kamakalawa ng umaga.

Inihayag pa ni Aquino na ang pagkakaare­sto ng apat na suspek ay bunsod ng pagkakadak­ip ni Huan Sen Lin, na nakumpiska­han ng P120 milyong halaga ng shabu, sa Roxas Boulevard sa Maynila.

Samantala, tinitingna­n ng awtoridad kung may pananaguta­n ang may-ari ng condo unit sa insidente.

 ?? JANSEN ROMERO ?? HIGH-GRADE SHABU Nasa P544 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) sa isang condominiu­m unit na inuupahan ng apat na Hong Kongese sa Pasay City, kamakalawa.
JANSEN ROMERO HIGH-GRADE SHABU Nasa P544 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) sa isang condominiu­m unit na inuupahan ng apat na Hong Kongese sa Pasay City, kamakalawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines