Balita

Aquino bakit nasa NFA pa rin?

- Genalyn D. Kabiling

Nagtataka ang Malacañang sa patuloy na panunungku­lan ni National Food Authority (NFA) administra­tor Jason Aquino kahit na tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw nito.

Sinabi ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque na dapat inako na ng NFA Deputy Administra­tor ang trabaho ni Aquino para pansamanta­lang pamunuan ang ahensiya habang hinihintay ang pagtatalag­a sa permanente­ng administra­tor.

Nauna rito ay ipinahayag ng Pangulo na itatalaga niya si Army Chief Lt. Gen Rolando Bautista bilang susunod na NFA administra­tor matapos kusang magbitiw si Aquino. Inaasahang uupo si Bautista sa bago niyang puwesto sa pagreretir­o nito sa militar sa susunod na buwan.

“Ang sabi ni Presidente tinatangga­p na niya iyong pagbibitiw dahil hindi na nga kakayanin ni Jason Aquino. So ang alam ko po wala na siya, pero nagtataka nga po ako, kahapon lamang may nagsabi sa akin na umupo pa siya sa NFA Council,” ani Roque sa isang panayam sa radyo.

Ayon kay Roque, iniulat na kinontra pa ni Aquino ang planong importasyo­n ng Philippine Internatio­nal Trading Corp. ng murang bigas para madagdagan ang supply ng bansa sa idinaos na council meeting.

“Ang sa akin lang is tinanggap na po iyong pagbibitiw, eh bakit nag-a-attend pa ng NFA Council?” ani Roque

“Kaya nga po ang sinabi ko iyong Deputy Administra­tor na ang dapat namamahala habang hindi pa po pupuwedeng maging NFA Administra­tor itong si General Bautista,” aniya pa.

“Dahil wala naman tayong tinatawag na power vacuum - iyong Deputy Administra­tor ang dapat na tumatayong administra­dor,” diin ni Roque.

Binanggit din niya na ipinatupad na rin ng Pangulo ang reorganisa­syon ng NFA nang ibalik ang superbisyo­n nito sa Department of Agricultur­e.

“Ang hepe na po ng Council ay si (Agricultur­e) Secretary (Emmanuel) Piñol. So wala po dapat power vacuum,” aniya.

Gayunman, sinabi ni Roque na lilinawin niya ang bagay na ito sa Pangulo upang masagot ang anumang kalituhan.

Nauna nang sinabi ni Piñol na mananatili si Aquino bilang NFA administra­tor hanggang sa makaupo sa puwesto si Bautista.

Gayunman, kinuwestiy­on ni Senador Risa Hontiveros ang pananatili ni Aquino sa puwesto kahit tinanggal na ito ng Pangulo. Inakusahan niya si Aquino at iba pang mga opisyal ng diumano’y pagtanggap ng P2 bilyon bawat taon mula sa “tara” system” kaugnay sa rice imports.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines