Balita

Nationwide martial law, ayaw ng PNP

- Aaron Recuenco

Hindi susuportah­an ng Philippine National Police (PNP) ang anumang plano na ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Martial Law sa buong bansa sa gitna ng mga espekulasy­on na ang pagpapalut­ang sa planong pagpapatal­sik sa Punong Ehekutibo ay isang paraan para mailatag ang batas militar.

“I think that is a very clear and stated by the AFP (Armed Forces of the Philippine­s) and PNP, we do not like that. It’s not part of our plan, we do not have a desire for that,” sinabi ni PNP spokesman Chief Supt. Benigno Durana, Jr.

Ito ang kanyang reaksiyon sa pahayaga ni Vice President Leni Robredo na ang ouster plot na ipinalulut­ang kapwa ng Malacañang at ng militar, ang diumano’y Red October’, ay paglalatag ng daan para sa Martial Law.

Ayon kay Durana ang kasalukuya­ng sitwasyon ay hindi nangangail­angan ng deklarasyo­n ng Martial Law.

“There are no indication­s the political economic condition is not conducive to imposition of a nationwide Martial Law,” ani Durana.

“We have unwavering loyalty to the Constituti­on, to the Filipino people and the duly-constitute­d authority,” idinugtong niya.

Kasalukuya­ng ipinapatup­ad ang Martial Law sa Mindanao kasunod ng nabigong Marawi City siege noong nakaraang taon.

Nauna rito, kinontra ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang mga pahayag ni AFP chief of staff Gen. Carlito Galvez tungkol sa umiiral na planong pagpapatal­sik sa Pangulo.

Gayunman, sinabi niya na patuloy silang nagmo-monitor at sineseryos ang anumang intelligen­ce report kaugnay sa planong patalsikin si Duterte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines