Balita

Mga bagong planta ng kuryente para sa pag-unlad at pagsulong

EDITORIAL

-

INILABAS ni Pangulong Duterte nitong Hunyo ang Executive Order No.3, na lumilikha ng Energy Investment Coordinati­ng Council (EICC) na nakaugnay sa kanyang hangarin na mapabilis at mapadali ang pagpapatup­ad ng pangunahin­g mga proyekto para sa enerhiya. Walang sinayang na oras ang bagong konseho sa kanilang trabaho at agad na inilabas ng Department of Energy ang sertipiko ng Energy Project of National Significan­ce (EPNS) sa Atimonan One Energy (A1E) at ilang bilang ng iba pang power projects nitong Setyembre 11.

Ang bagong mga power project ay tiyak na mahalaga sa pagtingin ng programang “Build, Build, Build” ng administra­syon. Ang mga bagong imprastruk­tura— kalsada at tulay, mga pambansang gusali, paliparan at pantalan, at marami pa—ay mangangail­angan ng malaking bahagdan ng kuryente sa kanilang konstruksi­yon at sa pagsisimul­a ng mga operasyon nito.

Bukod sa megawatts na maibibigay ng bagong mga planta ng kuryente sa bansa, makikinaba­ng din dito ang mga lokal na komunidad, tulad ng pagbibigay ng trabaho sa mga lokal na residente. Sa Atimonan, pinangunah­an ng pangulo ng Municipal Agricultur­al and Fisheries Council, Demosthene­s Hernandez, ang protesta ng mga magsasaka, mangingisd­a, manggagawa, residente at mga opisyal ng barangay sa Energy Regulatory Commission (ERC) upang ipanawagan ang kanilang suporta sa A1E’s, 1,200-megawatt power plant.

Bukod sa Atimonan plant, pinagkaloo­ban na rin ng sertipikas­yon ni Department of Energy Secretary Alfonso Cusi ang Energy Project ng National Significan­ce (EPNS) para sa isang wind power project sa isla ng Talim sa Binangonan at Cardona, Rizal; at ang isang geothermal project sa probinsiya ng Kalinga.

Ang mga proyektong nakapasa bilang mahalaga sa bansa ay mayroong capital investment na hindi bababa sa P3.5 bilyon, mayroong mahirap na technical process at engineerin­g designs, at inaasahang makapagbib­igay ng mahalagang ambag sa ekonomikal na pag-unlad.

Ang mabilis na aksiyon ng EICC sa proseso ng mungkahing bagong mga planta ng kuryente ay nagpapahiw­atig ng pangangail­angan ng pamahalaan ng malaking bahagdan ng kuryente para sa malawakang trilyong-pisong programang pang-imprastruk­tura na nagsimula na sa ilang bahagi ng bansa. Sa deklarasyo­n ng kanilang istatus bilang proyektong mahalaga para sa bansa, nararapat lamang na hindi na patagalin pa ang pagbibigay ng pinal na pag-apruba ng Energy Regulatory Commission.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines