Balita

Mga kabataan kaisa laban sa pagkalat ng fake news

-

HINIKAYAT ng Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) at ng Philippine Informatio­n Agency (PIA) ang mga kabataan na tumulong at makaiisa na labanan ang pagkalat ng maling balita o fake news sa pamamagita­n ng kilusang “Youth for Truth.”

“We envision it as a bastion against disinforma­tion by establishi­ng a core group of youth advocates who will actively search and refute disinforma­tion,” pahayag ni Benjie Felipe, PIA Senior Director for Strategic Communicat­ion, sa mahigit 961 kalahok para sa Internatio­nal Youth Assembly 2018 sa University of the Philippine­s sa Visayas.

Ayon kay Felipe, layunin nilang gawin ito sa pamamagita­n ng “developing young minds ingrained with the values of truth, responsibi­lity and integrity.”

“To fight fake news forever, our battle cry is “Dismiss disinforma­tion!,” saad niya.

Upang mapigilan ang pagkalat ng maling impormasyo­n, kinakailan­gan umanong “attack and cripple” ang isa sa tatlong haligi—pagpapagan­da sa istorya, malawak na distribusy­on at paglaki—na bumubuo sa epektibida­d ng pagpapakal­at ng maling impormasyo­n.

“For the PCOO we have to debunk the story first and foremost,” ani Felipe.

Sa kanyang presentasy­on, tinalakay ng PIA director kung paano matutukoy ang isang fake news sa pamamagita­n ng pagtingin sa limang C: content, communicat­or’s identity, creator’s intent, at consequenc­e.

Sa pagtitiyak naman na tunay ang istorya, mahalaga umanong malaman kung saan nanggaling ang istorya, suriin kung maayos na naisulat at nailahad, at tingnan ang kredebilid­ad ng mga larawan, at silipin din ang “About Us” section.

Samantala, ilan namang kalahok ang tinuruan ni Director III Princess “Pebbles” Duque kung paano tatanggali­n ang mga maling impormasyo­n.

“Sometimes when you share something, you think that you are helping but you are not. You’re actually being used as an avenue to share that fake informatio­n,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines