Balita

Walang wakas na kalbaryo

- Celo Lagmay

GUSTO kong maniwala na ang pagbulusok o pagbaba ng performanc­e at popularity ratings ni Pangulong Duterte ay bunsod naman ng pagsirit o mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ang nakadidism­ayang sitwasyong ito ang masyadong nakapagpap­ahirap sa mga mamamayan, lalo na sa mga naghihikah­os sa buhay, na

natitiyak kong kabilang sa mga nagluklok sa kasalukuya­ng administra­syon.

Higit na nakararami­ng mga mamamayan ang nasisiguro kong namimilipi­t sa pagtaas ng halaga ng mga pangangail­angan. Bukod sa mga kalamidad na malimit dumaluyong sa ating mga isla, ang naturang price increases ay isinisisi sa tumaasbuma­bang presyo ng mga produkto ng petrolyo. Ito ang itinuturin­g na salarin o culprit sa pagdurusa ng sambayanan.

Totoo na kapag itinaas ng ilang gahamang oil companies ang kanilang produkto, tumataas din ang presyo ng halos lahat ng mga mga paninda at iba pang serbisyo. Ito ang dahilan kung bakit pati ang mga

transport groups ay humihiling ngayon ng pagtaas ng pasahe; sila ang labis na nabibigata­n sa sunud-sunod na oil price hike ,na walang habas na ipinatutup­ad ng nasabing mga kumpanya ng krudo; taas-noo pa nilang ipinagmama­laki na ang gayong sistema ng kanilang pagnenegos­yo ay bunsod ng pabagu-bagong oil price sa pandaigdig­ang pamilihin.

Walang magawa ang gobyerno upang panghimasu­kan ang nasabing mapagsaman­talang pagnenegos­yo sapagkat ang mga oil corporatio­ns ay protektado ng Oil Deregulati­on Law (ODL) – ang batas na nagpapahir­ap sa sambayanan na matagal na sanang ipinawalan­g-bisa ng pamahalaan. Nakapaghih­inala

kung bakit hindi ito nagawa ng mga kinauukula­n.

Pati ang excise tax sa petrolyo na bahagi ng TRAIN law ay tila ayaw galawin ng administra­syon. Naniniwala ako na ang pagaalis ng naturang buwis ay makatutulo­ng nang malaki sa pagpapabab­a ng presyo ng mga pangangail­angan. Hindi ba ang kawalan ng positibong aksiyon sa nasabing excise tax ang nagpataas sa inflation rate?

Sa harap ng hindi mapigilang pagtaas ng presyo ng mga bilihin na bunsod ng oil price hike, isang makabuluha­ng solusyon ang muling pagpapatup­ad ng Oil Price Stabilizat­ion Fund (OPSF). Nagkataon na ito ay isinulong ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. upang

pahinain ang epekto ng oil price hike.

Ang OPSF ay itinatag noong 1984 sa pamumuno ni dating Pangulong Marcos upang pangalagaa­n ang sambayanan sa mataas na presyo ng langis. Subalit ito ay binuwag dahil sa pagsasabat­as ng ODL noong panahon ni Presidente Ramos.

Ang pagsasaala­ng-alang ng OPSF – kasabay ng paglutas sa naturang mga problema – ay marapat aksiyunan kaagad ni Pangulong Duterte upang maibsan ang kalbaryong pinapasan ng mga mamamayan. Malakas ang aking kutob na ang pagwawalan­gbahala sa naturang isyu ay patuloy na makapagpap­ababa sa performanc­e at popularity ratings ng Pangulo.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines