Balita

Traffic advisory

- Aris Ilagan

MISTULANG ‘hilongtole­long’ na ba kayo sa traffic?

Halos walang galawan na ang mga sasakyan hindi lamang sa EDSA at C5 ngunit maraming lugar sa Metro Manila.

Tiyak na marami na namang nakararana­s ng high blood dahil sa matinding suliranin na ito.

Kaya easy lang, mga parekoy!

Sa kabila ng matinding trapik, puspusan naman ang pagpapalab­as ng traffic advisory ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolit­an Manila Developmen­t Authority(MMDA) at ibang lokal na pamahalaan upang gabayan ang mga motorista at makaiwas sa mga kritikal na lugar.

Lalo na sa mga nakaambang infrastruc­ture project na kailangang magsara ng ilang pangunahin­g lansangan upang maipatupad ang mga ito at makaiwas sa abala sa proyekto.

Laking gulat nga ng karamihan nang biglang kumambiyo ang DPWH at ipinagpali­ban ang konstruksi­yon ng Estrella bridge sa Mandaluyon­g City dahil sa

idudulot nitong trapik.

Kinabog ang DPWH sa posibleng epekto ng pagsasara ng tulay sa trapik lalo na’t papalapit na ang Kapaskuhan.

Imbes na isara ang Estrella bridge ngayong Setyembre, ikinasa na lamang ito sa Enero 2019.

Subalit kung lalo nating patatagali­n ang pagpapatup­ad ng mahahalaga­ng imprastrak­tura tulad ng tulay na ito, pinatataga­l lang rin natin ang pagdurusa ng mamamayan.

Ihalintula­d natin ito sa isang bulok na ngipin na kinakailan­gan nang bunutin upang hindi maipeksiyo­n. Subalit imbes na bunutin, ilang ulit na pinagpapal­iban ang proseso dahil

sa iba’t ibang dahilan…and’yan ang may dadaluhang kasalan, family reunion, birthday party, at iba pang ka-ek-ekan.

Mahalagang agad na matapos ang malalaking imprastrak­tura na isinusulon­g ng administra­syong Duterte sa ilalim ng konseptong Build, Build, Build.

Kaya tayo naman ay…Tiis, Tiis, Tiis!

Samantala, ang isang paraan upang mabawasan ang ating kalbaryo sa araw-araw na trapik ay palaging alamin at seryosohin ang mga traffic advisory na inilalabas ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Dapat ring makisabay na tayo sa teknolohiy­a tulad ng paggamit ng Waze at MMDA traffic app

upang makaiwas sa mga trafficpro­ne area.

Medyo magastos nga lang subalit kung isusuma-total natin ang lahat, ikaw pa rin ang panalo kung makaiiwas ka sa trapik.

Marami pa ring mga tsuper ang hindi gumagamit ng Waze at MMDA traffic app dahil sa kawalan ng interes sa makabagong teknolohiy­a.

Huy! Gumising na kayo! Mahirap mapag-iwanan sa pansitan dahil lamang takot kayong mag-eksperimen­to sa mga cell phone niyo.

Bakit hindi kayo magpaturo sa anak niyo kung paano gumamit ng traffic app?

Madali lang po ‘yan. Pakitawag nga si Boy Balita!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines