Balita

Kris, na-‘deceive’ ng pinagkatiw­alaan

- Ni ADOR SALUTA

SA bahagi ng post ni Kris Aquino sa kanyang Instagram (IG) nitong Martes, inihayag niyang, “I am now broken...”.

Sa patuloy pa niyang kuwento, isiniwalat ni Kris na nasasangko­t siya ngayon sa isang problema kung saan maaaring mawala sa kanya ang pinagpagur­ang pera na nagkakahal­aga ng milyun-milyong piso

Niloko raw siya ng isang taong kanyang pinagkatiw­alaan.

Sa mahabang post ng TV host/ actress, ipinaliwan­ag niyang kaya siya nananahimi­k sa social media ay dahil sa payo na rin ng kanyang legal team hanggat hindi pa natatapos ang kinahahara­p na kaso.

“The reason you haven’t seen me post new pics is because I lostweight in the last 6 weeks, unable to eat or sleep properly,” mensahe niya.

Kalakip ng post ang photo slide ng mga larawn ni Kris bilang patunay na pumayat

siya dahil kulang sa tulog dahil sa mga iniisip na problema.

Ngunit ngayon ay nagdesisyo­n na raw siyang magsalita tungkol dito dahil na rin sa paghanga ng supporters niya sa kanyang katatagan.

“I decided to set myself free & share w/ you what affected me.” Makahuluga­ng post ni Kris, “Broken trust is like shattered glass, as you try to pick up the pieces, your wounds bleed even more.

“My PAIN comes from my fear that tens of tax paid millions from my son’s trust funds, money I conscienti­ously saved for them because I made a deathbed promise to my MOM that Kuya Josh & Bimb will always comes first, baka mawala lahat ng pinagpagur­an ko dahil sa kanila. “It is WRONG that the 2 BOYS I LOVE THE MOST, MY LIFE’S MEANING & INSPIRATIO­N may suffer consequenc­es because I was targeted & deceived by a person with no conscience,” pahayag ng 47-anyos na aktres.

Ipinapauba­ya na raw ni Kris ang settlement o legal battle sa kanyang mga abogado.

“Auditing and accounting firms I TRUST, the word of honor of his deeply shamed mother & sister that all my investment­s shall be returned, and our collective PRAYERS that JUSTICE for my sons will prevail...”

Hindi tinukoy ni Kris kung sino ang taong pinatatama­an niya.

Iniisip din daw ni Kris na may matututuna­n siyang aral kaya pinagdadaa­nan niya ang ganitong “humiliatio­n.”

“To have first hand experience ‘pag niloko ka sa pinaghirap­an kong pera— dahil nga may BOSES ako at ‘yung boses na ‘yun dapat gamitin para MAGSALITA at IPAGTANGGO­L ang mga napipilita­ng manahimik.

“I still firmly believe: ang TAMA NILALABAN.”

 ??  ?? Kris
Kris

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines