Balita

Jolo’s Status: Confused –Lani

- Ador Saluta

PANAUHING pandangal ng show na Magandang Buhay si Bacoor City Mayor Lani Mercado nitong Martes. Sa kalagitnaa­n ng panayam, naitanong sa butihing actor-politician kung ano ang estado ng puso ngayon ng anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

“Status: Confused,” ang makahuluga­ng tugon ni Lani nang usisain ang lagay ng love life ni Jolo.

Ilang buwan na rin ang nakararaan nu’ng kumpirmahi­n ni Jolo na naghiwalay na sila ng aktres na si Jodi Sta. Maria, pagkatapos ng walong taong relasyon.

Kinumpirma na rin ni Lani na naghahanap pa rin si Jolo ng babaeng para sa kanya.

“He’s still looking. We do not know what is bound for him. Hindi ko alam.

“Alam mo, mature na si Jolo, e. He just came from a long relationsh­ip.”

Umaasa naman siya at iba pa niyang mga anak na makita na ni Jolo ang tamang babae para sa kanya.

“Basta ang wish lang naman ng nanay, e, makahanap sila ng babaeng magmamahal sa kanila, aalagaan ang mga anak nila, pagsisilib­ihan sila, at sana maging kasing tatag ng marriage namin ang marriage nila.”

Hindi lang si Lani ang guest sa naturang show dahil kasama niya ang kuya ni Jolo na si Bryan Revilla. Itinanong naman sa aktor kung ano ang nami-miss nila kay Jodi.

“Siguro ‘yung mga times na kumakain kami. Si Jodi kasi, magaling magluto iyan. Pag nagluluto iyan, pinapakain kami lagi niyan, so ‘yun ang nami-miss namin sa kanya.

“Jodi is very kind, very generous, I really enjoy talking with her.”

Nakaka-miss din dawn a makitang sweet na sweet sina Jolo at Jodi sa isa’t isa.

Bibida ang mga anak nina Lani at dating senador Bong Revilla na sina Bryan, Jolo, at Luigi sa pelikulang Tres, na mapapanood na sa Oktubre 3.

 ??  ?? Lani
Lani

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines