Michael Kors, pumayag bilhin ang Versace
SUMANG-AYON si Michael Kors (KORS.N) na bilhin ang Italian luxury fashion company na Versace sa halagang 1.83 billion euros ($2.15 billion) kabilang ang utang nito, nitong Martes, bilang hakbang ng U.S. fashion group na talunin ang malalaking karibal sa Europe.
Hindi inililhim ng Michael Kors, na kilala sa kanilang leather handbags, ang ambisyon nitong palawakin ang customer base nito at maging bahagi ng kumpanya ang mga high-end brands makaraan nitong bilhin ang British stiletto-heel maker na Jimmy Choo, sa halagang $1.2 billion, nitong nakaraang taon.
Layunin nitong buhayin muli ang Versace, na bumalik sa net profit nitong nakaraang taon.
Ito ang pinakabagong foreign takeovers ng Italian luxury brands sa mga nakalipas na taon.
Ang Milan-based Versace, na kilala sa bold designs at Medusa head logo, ay minsang naging in demand sa China.
“With the acquisition of Versace we have created one of the world’s leading fashion and luxury groups,” sabi ni John Idol, chairman at CEO ng Michael Kors Holdings.
Pumayag si Michael Kors na bilhin ang lahat ng outstanding shares ng Versace, sa kabuuang enterprise value na 1.83 billion euros ($2.2 billion) ng Michael Kors Holding Ltd, na papangalang Capri Holdings Ltd sa mga susunod na buwan o taon.
“We believe that being part of this group is essential to Versace’s long-term success. My passion has never been stronger,” pahayag ni
Donatella Versace, ang kapatid ng yumaong founder ng Versace, na siyang artistic director at vice-president nito.
“Versace CEO Jonathan Akeroyd will remain at the helm of the company, while Donatella Versace will continue to lead the company’s creative vision,” sabi pa ni Idol.
Ang deal ay inaasahang isasapinal sa ikaapat na fiscal quarter, dahil sa mga regulatory approval. Sina JPMorgan at
Barclays ang ilan sa mga adviser.