Isusubastang kotse ni Marilyn Monroe, aabot sa $500,000
ISUSUBASTA ang two-seater convertible car ni Marilyn Monroe sa Nobyembre at aabot ito sa halagang $500,000, lahad ng mga organizer nitong Martes.
Sa unang pagkakataon, ibebenta ang 1956 raven black Ford Thunderbird ng movie star sa loob ng anim na taon bago siya bawian ng buhay noong 1962.
Nakuhanan si Marilyn, na isa sa pinakacollectible celebrity, na minamaneho ang nasabing kotse kasama ang kanyang asawang si Arthur Miller, ilang araw makaraan silang ikasal noong Hunyo June 1956.
Ayon kay Darren Julien, pangulo ng Julien’s Auctions, ang kotse ay “not only part of automotive history but comes with an aura of glamor, romance and tragedy of a true Hollywood legend.”
Iniregalo ni
Marilyn ang Thunderbird sa anak na lalaki ng kanyang acting coach, si Lee Strasberg, noong 1962. Inalam ng kasalukuyang may-ari nito, na hiniling na huwag pangalanan, ang kasaysayan ng behikulo mula sa registration at iba pang mga dokumento na ibinenta sa kanya noong 2016 bilang bahagi ng ari-arian ni Lee.
Sumailalim na sa restorasyon ang sasakyan ngunit naroroon pa rin ang maraming orihinal na parte nito.
“Finding this car, a classic two-seater model, after 56 plus years of its unknown whereabouts, was a singular event. No other car has been located and documented as owned by the incomparable Marilyn Monroe,” lahad ng kasalukuyang may-ari sa isang pahayag. Ipagbebenta ang kotse sa Julien’s Auctions sa Los Angeles sa Nobyembre
17.