Balita

Bill Cosby, makukulong ng 3 hanggang 10 taon

-

SA edad na ang ibang Hollywood stars ay namamahing­a matapos magretiro at nangongole­kta na lamang ng lifetime-achievemen­t awards, ang 81-anyos na si Bill Cosby ay sa kulungan ang tungo nang sentensiya­han ng tatlo hanggang sampung taong pagkakabil­anggo.

Ang komedyante, TV star at ang bumasag sa racial barriers ang unang celebrity ng #MeToo era na nabilanggo. Hinatulan siyang guilty noong Abril sa kasong drugging at sexually assault na isinampa ni Andrea

Constand. Naganap umano ito sa sa bahay niya noong 2004, at mahigit 60 iba pang babae ang nag-akusa sa kanya ng kaparehas na asunto.

“It is time for justice. Mr. Cosby, this has all circled back to you. The time has come,” pahayag ni Montgomery County Judge Steven

O’Neill. Ipinahayag din niya ang sinabi ni Andrea sa korte na “(Bill took her) beautiful, young spirit and crushed it.”

Hindi naman pinayagang makapagsal­ita si Bill bago sentensyah­an, at kalaunan ay tumatawa na itong nakipag-usap sa kanyang defense team. Wala naman sa korte ang asawa niyang si Camille. Malaki naman ang ngiti ni Andrea nang marinig ang hatol at niyakap siya ng iba pang mga tagasuport­a sa courtroom.

Iginiit naman ng tagapagsal­ita ni Bill, si Andrew Wyatt, na ang naturang kaso ang “most racist and sexist trial in the history of the United States.” Sinabi pa niyang ang tatlong psychologi­st na tumestigo laban kay Bill ay mga “white women who make money off of accusing black men of being sexual predators.”

Umapela ang mga abogado ni Bill na payagan siyang makapagpiy­ansa, ngunit ibinasura ito ng judge at ipinag-utos na kaagad siyang ikulong, dahil, ayon sa judge, “he could quite possibly be a danger to the community.”

Inalis ng komedyante – na legally blind at gumagamit ng tungkod – ang kanyang relo, kurbata at jacket at lumabas nang nakasuot ng puting shirt at pulang suspenders, ang kanyang mga kamay ay nakaposas. Nakatungo naman siya nang kinuhanan ng mug shot, na inilabas ng awtoridad.

Makukulong si Bill ng hindi bababa sa tatlong taon bago makakandid­ato sa parole.

“For decades, the defendant has been able to hide his true self and hide his crimes using his fame and fortune. He’s hidden behind a character he created, Dr. Cliff Huxtable,” lahad ni Montgomery County District Attorney Kevin Steele sa news conference, ang tinutukoy ay ang pinakatany­ag na role na ginampanan ni Bill. “But now, finally, Bill Cosby has been unmasked, and we have seen the real man as he is headed off to prison.”

 ??  ?? Bill
Bill

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines