Balita

PH nagpasalam­at sa alok na amnesty ng UAE

- Bella Gamotea

Pinasalama­tan ng Pilipinas ang United Arab Emirates (UAE) sa amnesty program na inilunsad ng UAE nitong Agosto.

Sa pamamagita­n ng amnestiya, kapiling ngayon ng mahigit 1,000 hindi dokumentad­ong Pilipino ang kanilang mahal sa buhay sa bansa, ayon kay Dapartment of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter S. Cayetano.

Ipinaabot ni Cayetano ang pasasalama­t kay UAE Foreign Minister Sheikh Abdullah bin Zayed Al-Nahyan, sa kasagsagan ng kanilang pagpupulon­g sa sidelines ng United Nations General Assembly sa New York, kamakalawa.

“We thank you not only for the hospitalit­y extended to more than 600,000 of our fellow Filipinos but also for making it possible for those who do not have proper immigratio­n status the opportunit­y to either regularize their stay or go home to their loved ones in the Philippine­s,” pahayag ni Cayetano.

Nagkausap sina Cayetano at AhNahyan ilang oras matapos mapauwi ng Embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi ang 98 Pilipino, ang ika-10 batch ng OFWs na kumuha ng amnestiya na alok ng UAE government.

Sa ilalim ng tatlong buwang amnesty program na sinimulan nitong Agosto, nabigyan ng oportunida­d ang mga overstayin­g na Pilipino at iba pang dayuhan na ayusin ang kanilang estado o bumalik sa kani-kanilang bansa.

Nasa kabuuang 1,194 na Pinoy mula sa Dubai at Abu Dhabi ang kumuha ng amnesty program at napauwi na ng DFA sa nakalipas na dalawang buwan.

Sa gitna ng pulong, inihayag ni Cayetano ang pasasalama­t sa mga hakbangin ng UAE na tiyakin ang mga karapatan ng household service workers (HSW), tulad ng batas para sa domestic workers na nilagdaan noong 2017.

Tinalakay din ng dalawang opisyal ang iba pang kooperasyo­n na dapat pagtuunan ng Pilipinas at UAE, partikular ang kalakalan at pamumuhuna­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines