Balita

Alyansang US-PH kontra terorismo pinalawig pa

- Francis Wakefield

Pinangunah­an nina Armed Forces of the Philippine­s (AFP) Chief of Staff General Carlito Galvez Jr. at Admiral Philip Davidson, chief ng U.S. IndoPacifi­c Command, nitong Huwebes ang 2018 Mutual Defense Board and Security Engagement Board (MDB-SEB) meeting kung saan nagkasundo sila na magtutulun­gan sa seguridad hanggang sa 2019.

Sinabi ni Galvez na ang pagpupulon­g nila ni Davidson, ginanap sa Tejeros Hall, AFP Commission­ed Officers Club in Camp Aguinaldo, Quezon City, ay magtitiyak ng patuloy na malakas na relasyon ng mga militar ng Pilipinas at United States sa pagkakasun­do ng magkabilan­g panig na magsagawa ng 281 security cooperatio­n activities para sa 2019, mas marami kaysa ngayong 2018.

“We have been doing this year after year and yet there is still so much left to learn. We hope that this year would be another fruitful interactio­n that will lead to favorable outcome. May our discussion­s lead to actions, and may these actions thereby lead us to success,” ani Galvez.

Sinabi niya na kapwa inaasahan ng Pilipinas at ng U.S. ang pagpapatul­oy ng mahigpit na kooperasyo­n sa mga larangan na mahalaga sa interes ng bansa at seguridad, kabilang ang counterter­rorism, maritime security, cyber security, humanitari­an assistance at disaster relief.

Itinatag ang MDB noong 1958 at inistablis­a ang SEB noong 2006. Ang dalawang boards ang bumubuo sa taunang MDB-SEB meeting, na nagsasaayo­s sa framework para sa defense at security cooperatio­n ng mga militar ng Pilipinas at Amerika.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines