Balita

Christian, hataw sa rami ng projects

- Ni NORA V. CALDERON

TAAS-KAMAY na nagpasalam­at sa Diyos ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista dahil sa sunud-sunod niyang projects na ginagawa sa GMA Network. Biro namin kay Christian, blessings iyon para sa nalalapit nilang kasal ng girlfriend na si

Kat Ramnani, na gaganapin bago matapos ang taon.

Sa halos lahat kasi ng dinaluhang presscon or set visit ng entertainm­ent press ay naroon siya at kasama sa project. Gaya ngayong Sabado, semi-finals na ng The Clash at isa siya sa panel of judges kasama sina Ai Ai delas

Alas at Lani Misalucha. Bukas naman, Linggo, ay grand finals na ng nasabing kumpetisyo­n, at limang contestant na lamang ang magtatagis­an ng galing mula sa dating 62 kalahok. Nang tanungin naman kung may bet siyang manalo ay ngiti lamang ang sagot niya. Kaya abangan nalang natin dahil live itong mapapanood sa GMA 7 pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Eto pa, hindi pa man natatapos ang The Clash, ay kasama na rin siya sa bagong musical show ng GMA, ang Studio 7

at makakasama niya rito ang Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose, Gabbi Garcia, Kyline Alcantara, Mikee Quintos, Kate Valdez, Migo Adecer at Mark Bautista.

Hindi rin nawawalan ng acting projects si Christian. Kamakailan ay binisita namin ang taping ng bagong primetime dramedy ng

GMA, ang

Pamilya Roces, at kabilang din siya sa cast nito. Ano ang role na gagampanan niya roon?

“Ako po si Ralph Gomez, corporate and family lawyer ng pamilya Roces,” sabi ni Christian. “Hawak ko lahat ng business interests nila, lalo na ang business interest ni Cyrstal Rose

(Carla Abellana). I’m secretly in love with her, kahit na may asawa

na siya, si Hugo Javellana (Rocco Nacino).”

Hindi raw ito ang unang pagkakatao­n na makakatrab­aho niya si Direk Joel Lamangan, ang direktor ng Pamilya Roces, kaya kabisado na niya ang working habits nito. Naidirek na siya ng direktor sa Mano Po 5, na pinagbidah­an nina Angel Locsin at

Richard Gutierrez. Ilang teleserye na rin ang nagawa ni Christian sa GMA, at katatapos lamang niyang mag-guest sa Victor Magtanggol habang ongoing ang The Clash.

Next week, mauunang umalis sina Christian at Julie Anne papuntang San Francisco para sa meet and greet with the fans bago dumireto sa Los Angeles, California, bilang bahagi ng “Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim”, sa Oktubre 7. Gaganapin ang event sa The Grove of Anaheim sa LA at makakasama niya rito sina Ai Ai, Julie Anne, ang comedy duo na sina Super Tekla at

Donita Nose, at si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

“Pagbalik namin, guest naman ako sa concert ni Kuh Ledesma sa The Theater ng Solaire, on October 20”. Anyway, ang Pamilya Roces ay mapapanood na simula sa Oktubre 8, pagkatapos ng Onanay.

 ??  ?? Christian
Christian

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines