Balita

Jung Joon-young, nagsaya kasama ang Pinoy fans

- Ni JONATHAN HICAP

NAKASALAMU­HA na rin ng Korean singer at actor na si Jung Joon-young ang kanyang Pinoy fans sa pagtitipon na ginanap sa ABS-CBN Vertis tent, kamakailan.

Sa kanyang Manila fan meeting na tinawag na “Fiancee”, ipinakita ni Joon-young ang kanyang singing skill, gayundin nakisalamu­ha at nakipaglar­o sa kanyang fans.

“Magandang hapon. Nice to see you guys in Manila,” bati ni Jung Joon-young sa fans.

Ito ang ikalawang pagbisita ng singer sa Manila ngayong taon nang pangunahan niya ang paglulunsa­d ng Viu original na

Hello K-Idol noong Hulyo.

Bago siya naging celebrity sa South Korea ay nanirahan na siya sa ilang bansa dahil sa negosyo ng kanyang ama. Sa edad na 17 ay lumipat siya sa Pilipinas at nature ng taekwondo at music sa mga kabataang Pinoy.

Nang tanungin ng host na si Kring ElenzanoKi­m kung ano ang pinakana-miss niya sa bansa, sabi niya, “I miss kare-kare,” ang tinutukoy ay ang paboritong putaheng Pinoy.

Dumating naman ang kanyang big break nang sumali sa Superstar K TV program noong 2012, kung saan nasungkit niya ang ikatlong puwesto.

“My dream was to become a singer and my dream came true,” lahad niya at pagkaraan noon ay naging regular na siya sa Korean variety TV show na 2 Days 1 Night noong 2013.

Noong Marso, nag-release siya ng single na

Fiancee featuring Microdot. Nang tanungin ulit kung ano ang naging inspirasyo­n niya sa pagsusulat ng mga liriko ng naturang kanta, aniya, “I was riding in a car. I was thinking of the lyrics and then I wrote it. I think there’s no inspiratio­n.”

Prioridad ni Jung Joonyoung ang kanyang pagkanta, “I just focus on the music always.”

Sa fan meet ay nakipaglar­o si Joon-young sa kanyang fans, gaya ng Know JJY Best, kung saan kailangan ng mga contestant na sagutin ang mga katanungan na lahat ay tungkol sa singer.

Dahil sa game, ibinunyag niyang siya ay isinilang sa South Korea pagkaraan ay nanirahan sa Malaysia; ang kanyang paboritong kulay ay black; fluent ang pagsasalit­a niya ng Korean, English at Chinese; at ang kanyang English name ay Andrew. Sa isa pang game, kumanta siya ng linya mula sa ilang Filipino songs at kailangang hulaan ang mga contestant ang titulo ng bawat kanta. Ang mga nagwagi ay nakatangga­p ng autographe­d albums at nagkaroon ng pagkakatao­n na makapag-selfie kasama ang singer.

Inawit din ni Joon-young ang kanyang mga kantang Spotless Mind, Becoming Dust,Sympathyat­Fiancee sa event. Gumawa ng video para sa singer at nagbigay din ng cake ang fans niya.

“Thank you JJY for making our dreams come true. Happy fifth anniversar­y. Congratula­tions,” sabi ng fans.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Joon-young sa kanila, “Thank you for your love. I had a great time. It’s my first time in Manila to meet you guys here. I can’t promise you but I hope to come back next year. Just keep watching my shows every night.”

 ??  ?? Joon-young
Joon-young

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines