Balita

Rihanna, nilooban uli

-

PINASOK at ninakawan uli ang bahay ni Rihanna sa Hollywood Hills sa ikalawang pagkakatao­n, sa loob ng anim na buwan. Ayon sa Yahoo Entertainm­ent,

rumesponde ang

LAPD sa tawag na pagnanakaw mula sa bahay na pagmamay-ari ng singer sa taas ng Sunset Strip sa ganap na 9:30 ng gabi nitong Martes, pagkukumpi­rma ng Yahoo Entertainm­ent. Nang dumating ang mga pulis, ay naalarma na ang home security system, kaya panay ang pag-iingay ng alarm at pag-flash ng mga ilaw.

Ayon sa awtoridad, may nanakaw na bagay mula sa bahay, ngunit walang tao roon nang maganap ang insidente. Basag naman ang rear glass door na umano’y dinaanan ng mga kawatan. Inalerto ng “sophistica­ted security system” ng singer ang awtoridad sa naganap na panghihima­sok. Kinumpirma rin ng pulisya na may mga ebidensya sila ng mga suspek sa bahay at natukoy na nila ang behikulong ginamit sa pagnanakaw, ngunit patuloy pa rin ang imbestigas­yon. Samantala, hindi pa sumasagot ang kinatawan ni Rihanna (tunay na pangalan ay Robyn Fenty) na magbigay ng komentong request ng Yahoo.

Ito na ang ikalawang pagkakatao­n na ninakaw ang nasabing bahay ng songstress, actress, beauty, at fashion mogul. Noong Mayo, pinasok din ang naturang bahay at inaresto ang isang stalker makaraang manatili sa loob ng bahay, sa loob ng 12 oras, nang madiskubre ng assistant ni Rihanna. Binili niya ang naturang bahay, na mayroong movie theater at spa, sa halagang $6.8 million noong nakaraang taon.

Laging wala sa bahay si Rihanna at naging abala nitong buwan. Ilang linggo siyang nasa New York kamakailan para sa kanyang taunang Diamond Ball charity gala at ipino-promote niya rin ang kanyang Fenty Beauty line sa store event sa Brooklyn.

 ??  ?? Rihanna
Rihanna

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines