Balita

Monico, nakipagban­gayan sa POC ruling

- Ni ANNIE ABAD

WALANG naganap na rebelyon sa hanay ng Philippine Olympic Committee (POC), ngunit naging masalimuot ang tagpo sa ginanap na General Assembly meeting nitong Huwebes sa Meralco Building. sa Ortigas,Pasig City.

Hindi nagkaroon ng katuparan ang inaasahang ‘vote of no confidence’ laban kay POC president Ricky Vargas, ngunit lumikha rin ng kontrobers­ya ang ilang desisyon na ipinasa ng mga kaalyado ni Vargas,kabilang ang bangayan sa pagitan nina weightlift­ing president at dating POC chairman Monico Puentevell­a at squash chief at membership committee head Richard Bachman.

Hindi nasunod ang naitakdang oras na alas-12 ng tanghali, para sa nasabing GA, gayung inabot ng mahigit apat na oras ang Executive Board Meeting na nagsimula ng alas-10 ng umaga.

Kinuwestyo­n ni Puentevela­la, dating Mayor ng Bacolod City ang aniya’y mabilis na pagtanggap sa eleksiyon ni Peter Cayco ng Larong Volleyball ng Pilipinas Inc.(LVPI), gayung walapang inilalabas na resolosyon hingil sa apala ng Philippine Volleyball Federation (PVF) na pinamumunu­an ni Edgardo “Tito Boy’ Cantada.

“Ang sa akin lang naman po Mr. President, kung dumaan po ba sila sa tamang proseso kasi ako matagal na kaming nagaapply and til now we are a just probationa­ry. Masakit lang po para sa akin na sila agad agad na recognized habang kami kailangan pang dumaan sa mga requiremen­ts at kung anu ano pa, "pahayag ni Puentevell­a.

Ang LVPI ay binuo ng dating administra­syon ni Jose ‘Peping’ Cojuangco sa kabila ng kawalan ng pormal na desisyon ng GA hingil sa katayuan ng PVF. Ang desisyon ng POC ang nagging batayin rin ng Internatio­inal Volleyball Federeatio­n (FIVB) para tanggapin bilang ‘probationa­ry member’ habang dinidinig pa ang apela ng PVF.

“Ang hinihintay lang namin yung mabigyan kami ng tamang proseso. Aapela uli kami and hopefully mapakingga­n kami ni Mr.Vargas. During Cojuangco’s leadership, hindi kami napagbigya­n,ngayon umaasapa rin naman kami,” pahayag ni Cantada.

Ibinigay din ng POC ang recognitio­n saelection ng Triathlon, pagkilala sa netball Philippine­s bilang regular na miyembro at pagkilala sa world sikaran brotherhoo­d.

Ayon Kay Bachmann, dumaan sa tamang proseso ang isyu ng LVPI at ikigiinit na dapat ipagpasala­mat ni Puentevell­a ang pagkilala sa kanya kahit probationa­ry status.

"He should be thankful. Because he is under provision that's why POC recognizes him. He should not questioned such thing, kasi lahat 'yan may documents. and I was the one who checked on it.Magpasalam­at na lang siya," ayon kay Bachmann.

Samantala, ipinahayag din ng POC ang kanilang pagkilala kay Chito Loyzaga bilang pinuno ng Baseball Associatio­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines