EJK remarks ni Duterte, nilinaw ng Palasyo

Balita - - News - Argyll Cyrus B. Geducos

Nais lamang ni Pangulong Duterte na idiin na hindi siya maaaring akusahan ng kurapsiyon nang sabihin niya na ang “only sin” niya ay ang extrajudicial killings (EJKs) sa bansa.

Ito ang paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque makaraang sabihin ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Malacañang nitong Huwebes, na hindi siya kailanman nagnakaw ng kahit isang kusing sa pamahalaan at ang kanyang “only sin” ay ang EJK, isyung iniuugnay sa kanya maging noong mayor pa lamang siya ng Davao City.

“I will talk to a political exercise now. What are your sins? Ako? Sabi ko nga sa military, ano kasalanan ko? Nagnakaw ba ako dyan ni piso? Did I prosecute na pinakulong ko? Ang kasalanan ko lang, ‘yung mga extrajudicial killings,” giit ni Duterte.

Sa isang pahayag, nilinaw ni Roque ang kontrobersiyal na pahayag ni Duterte at sinabing hindi kailanman inamin ng Pangulo sa siya ang nasa likod ng mga pagpatay kundi nais lamang niyang idiin na hindi siya isang kurap na opisyal.

“Let us be clear and put into proper context the President’s remarks on extrajudicial killings,” ani Roque. “First, there is no admission on the part of the President.”

“He merely wants to underscore the point that he has not been accused of corruption nor has he engaged in political vendetta. All the critics and detractors can allege are killings attributed to his drug war,” patuloy na paliwanag ni Roque.

Sinabi rin ng opisyal na kinikilala ni Duterte ang maraming nasawi sa ilalim ng kanyang madugong kampanya laban sa ilegal na droga, ngunit hindi hindi umano lahat ay resulta mula sa pang-aabuso ng mga pulis.

“As for those which resulted as a consequence of such, we maintain that police authorities also have the right to protect themselves from violent resistance,” ani Roque.

Inihayag din ni Roque na malabong mawakasan ang kontrobersiyal na kampanya dahil naniniwala ang Pangulo na ang droga ang nananatiling pinakamalalang problema ng bansa na banta rin sa kabataan.

Nitong Biyernes, nanindigan si Roque na hindi seryoso ang Pangulo nang sabihin nito ang pahayag.

“In the first place, hindi naman iyan isang sinumpaang salaysay ‘no, so paano sasabihing self-incriminating iyan,” dagdag pa niya.

Samantala, naniniwala naman si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na hindi pa rin naiintindihan ng ilan ang Bisayan humor ng Pangulo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.