PNP tutok sa ouster plot vs Digong

Balita - - News - Martin A. Sadongdong

Mahigpit na inaantabayanan ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y “Red October” ouster plot laban kay Pangulong Duterte sa susunod na buwan na maaaring “magparalisa” sa ekonomiya ng bansa.

Ayon kay PNP chief, Director General Oscar Albayalde, mino-monitor nila ang grupong oposisyon na nakikipagsanib sa grupong komunista na nag-recruit ng mga labor workers – na sinasabi niyang paunang hakbang sa pagpapatupad ng Red October plot.

“What we have monitored in this Red October plot is the recruitment in some labor groups. It’s because they want to paralyze the labor sector, especially those working in factories, to paralyze our production and eventually, our economy. And then they would blame it to the President,” pahayag ni Albayalde.

“They are going to grassroots, trying to infiltrate worker groups like those in the factory to hamper their production and force an economic crisis,” dagdag niya.

Sinabi ng PNP na wala kahit isang pulis na makikiisa sa ouster plot dahil “there is no reason to go against the government.”

“We know that they will recruit armed component, probably in the AFP [Armed Forces of the Philippines] or the PNP. Within our ranks, I don’t think they would be able to recruit one,” aniya.

“This administration of President Duterte has already given us almost everything, all the support that he can give us so what more reason do we have to go against the government? None,” diin ni Albayalde.

Nitong unang bahagi ng taon, nilagdaan ni Duterte ang isang resolusyon na nagpadoble sa suweldo ng lahat ng uniformed personnel, kabilang ang mga pulis.

Naglaan din ang Punong Ehekutibo ng P25 milyon para sa PNP hospitalization program, na sasagot sa pampagamot ng lahat ng wounded-in-action (WIA) cops.

Gayunman, ipinahayag ni Albayalde ang posibilidad na ilang retiradong pulis at military officers ang makiisa sa grupo ng oposisyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.